PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Bansang Turkey, Türkiye na ngayon. Bakit ito nagpalit ng pangalan?

United Nations, kinilala ang pagpapalit ng pangalan ng Turkey sa Türkiye.
by Bernie V. Franco
Published Jun 6, 2022
Turkey
Sa Cambridge English Dictionary, ang isa sa definitions ng “turkey” ay "something that fails badly" o "a stupid or silly person."
PHOTO/S: Meg Jerrard from Unsplash

Goodbye Turkey, hello Türkiye (tur-KEE-yeh)!

Sinisimulan na ng bansang Turkey ang rebranding ng pangalan nito.

Sa United Nations, kinikilala na ito ngayong Türkiye, matapos makatanggap ng formal request mula sa Ankara, ang capital ng bansa.

Inaasahan ding susunod na rin ang iba pang international bodies.

Sinimulan ni Turkish President Recep Tayyip Erdogan ang kampanya pagpapalit sa pangalan ng Turkey noong nakaraang taon.

Ang dahilan ni Edrogan: "Türkiye is the best representation and expression of the Turkish people's culture, civilization, and values.”

Sa katunayan, karamihan sa mga Turks ay alam na ang tamang tawag sa kanilang bansa ay Türkiye.

Pero para sa mas malaking bahagi ng mundo, kilala nila ang bansa sa tawag na Turkey, ang anglicized version nito.

Inilantad din ang ilang dahilan kung bakit hinahangad na mapalitan ang pangalan, na negatibo ang konotasyon.

Isa na rito ay ang reference sa “turkey” na ibon—pabo sa Tagalog—na iniluluto sa Amerika during holidays, gaya ng Thanksgiving, Pasko, at Bagong Taon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa Cambridge English Dictionary, ang isa sa definitions ng “turkey” ay "something that fails badly" o "a stupid or silly person".

May mga hakbang na ring ipinatupad ang Turkish government para sa rebranding ng bansa nito.

Ginagamit na ang phrase na "Made in Türkiye" sa pakete ng mga produkto nitong ine-export.

Simula pa nung January 2022, ginagamit na ang catchphrase na "Hello Türkiye" pagdating sa turismo.

Pero umani ng mixed reactions ang hakbang na ito ni Erdogan.

Nahahaluan ito ng pulitika at iniuugnay sa paghahanda ni Erdogan sa gaganaping national elections sa susunod na taon.

Ang iba, iniisip na diversion lang ito sa kinakaharap na krisis ngayon ng bansa, gaya ng patuloy na pagtaas ng mga bilihin.

HOT STORIES

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sa Cambridge English Dictionary, ang isa sa definitions ng “turkey” ay "something that fails badly" o "a stupid or silly person."
PHOTO/S: Meg Jerrard from Unsplash
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results