PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Animal attraction sa Manila Zoo, dadagdagan

Panibagong rehabilitasyon sa Manila Zoo, isinasagawa.
by KC Cordero
Published Jun 4, 2022
Manila Zoo entrance.
Nag-procure na ang pamunuan ng Manila Zoo ng mga karagdagang hayop bilang atraksiyon dito. Isang buwan namang isinailalim ang zoo sa rehabilitasyon at muling bubuksan sa darating na Hulyo.

Isinarang muli sa publiko ang Manila Zoo simula noong June 1, 2022 para sa panibagong rehabilitasyon nito.

Ayon kay Alipio Morabe Jr., officer-in-charge ng Manila public recreation bureau, nagsasagawa ng minor retouch sa pintura sa mga dingding at signage.

Manila Zoo employee explaining why the place needs to be rehabilitated.

“Ipi-finish natin yung mga hindi pa natatapos na enclosures. Mag-a-accessorize tayo ng ibang mga kulungan para mas mapaganda natin ang habitat ng mga animals natin,” ani Morabe.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

A bird at the Manila Zoo.

Nagdesisyon aniya ang pamunuan ng zoo na pansamantalang isara ito sa publiko para matiyak ang kaligtasan ng lahat habang ginagawa ang rehabilitasyon.

Marami pa umanong aayusin sa loob ng zoo.

The tiger at the Manila Zoo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Itsi-check natin ang enclosures kung talagang safe sa mga tao. Yung savanna maglalagay tayo ng trees para magkaroon ng shape yung ating herbivore animals.

“Yung ating outdoor reptiles, aayusin din ang filtration ng kanilang pond. Maglalagay din ng koi pond.”

Makakaasa aniya ang publiko na sa muling pagbubukas ng Manila Zoo ay mas marami itong atraksiyon.

“Mayroon tayong ipo-procure na mga zebra, kasi wala na tayong zebra. May darating din tayong mga hippopotamus saka ostrich. Hopefully this month kasi tapos na yung procurement, ide-deliver na.

“By next year, baka dumating na rin yung mga giraffe. Little by little, mapupuno na natin [ng animals] itong ating makabagong Manila Zoo.”

Tatapusin ang rehabilitasyon sa loob ng isang buwan, at magkaroon ng grand opening sa Hulyo.

May bayad na ang entrance pero may discount para sa persons with disabilities (PWDs) at senior citizens.

Ani Morabe, “For non-Manilans ay PHP200. Pag taga-Manila ay PHP100.”

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Nag-procure na ang pamunuan ng Manila Zoo ng mga karagdagang hayop bilang atraksiyon dito. Isang buwan namang isinailalim ang zoo sa rehabilitasyon at muling bubuksan sa darating na Hulyo.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results