Maghanda na sa pagbabalik-eskuwela.
Sisimulan na sa March 25, 2022 ang early registration ng mga learners sa public schools para sa school year 2022-2023.
Ito ang inianunsiyo ng Department of Education (DepEd) ngayong araw, March 24.
Ayon sa DepEd, tatagal hanggang April 30 ang registration para sa iba’t ibang entry-level learners, lalo na ang mga magpapatala para sa kindergarten, primary level (Grade 1), junior high school (Grade 7), at senior high school (Grade 11).

Hinihikayat din ng DepEd ang mga private schools na magsagawa ng early registration sa mga petsang nabanggit.
Ang early registration para sa iba’t ibang learning modalities ay maaaring gawin nang face-to-face sa mga lugar na mababa ang Alert Level status, gaya ng nakasaad sa DepEd Memorandum 17, Series of 2002.
Ayon sa DepEd, “In the context of the prevailing COVID-19 public health emergency, the conduct of early registration shall be done remotely in areas under Alert Levels 3 to 5.
“In-person registration through parents or guardians may be allowed in areas under Alert Levels 1 to 2, provided physical distancing and health and safety protocols are strictly observed.”
Samantala, ang mga learners sa Grades 2 hanggang 6, 8 hanggang 10, at 12 ay hindi kailangang sumabay sa early registration dahil awtomatiko na silang rehistrado.