PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Libreng sakay sa LRT-2 at MRT-3 para sa kababaihan ngayong March 8

Bahagi ito ng National Women’s Month celebration
by KC Cordero
Published Mar 8, 2022
Free rides announcement
Libre ang pagsakay ng mga babaeng pasahero sa LRT-2 at MRT-3 bilang bahagi ng National Women’s Month celebration.

Libre ang pagsakay para sa mga babaeng pasahero sa Light Rail Transit Line 2 (LRT-2) at sa Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) ngayong Martes, March 8, 2022 bilang bahagi ng pagdiriwang ng National Women’s Month.

Ayon sa Light Rail Transit Authority (LRTA), ang libreng sakay at “special treats” para sa kababaihan ay mula 7:00 A.M. – 9:00 A. M. at mula 5:00 P.M. – 7:00 P.M. sa lahat ng LRT-2 stations.

Scenes from LRT-2 stations

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Magsasagawa rin ang LRTA ng blood typing tests, blood pressure checking, at random blood sugar tests sa Recto at Araneta Center-Cubao stations mula 8 a.m. – 5 p.m.

Ayon kay LRTA chief Jeremy Regino, “These activities aim to honor and recognize the indispensable role of women in our society as well as reaffirm DOTr and LRTA’s commitment to gender equality and women empowerment.”

Inianunsiyo naman ng MRT-3 na magkakaloob din sila ng libreng sakay sa mga kababaihan kasabay ng iskedyul ng LRT-2.

Ayon kay MRT-3 OIC-General Manager Assistant Secretary Eymard Eje, “Kaisa po ng buong bansa ang pamunuan ng MRT-3 sa pagdiriwang at pagsaludo sa dedikasyon, galing at puso ng bawat kababaihang Pilipino.”

Ang national women’s month ay ipinagdiriwang sa buong buwan ng Marso para bigyang pugay ang mga naging tagumpay ng kababaihan, madetermina ang mga kinakailangang aksyon para sa gender equality, at patuloy na mapalaganap ang women empowerment.

Ang pagdiriwang ngayong 2022 ay may temang “We Make Change Work for Women.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Libre ang pagsakay ng mga babaeng pasahero sa LRT-2 at MRT-3 bilang bahagi ng National Women’s Month celebration.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results