PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Duterte nag-eempake na; hanggang March na lang sa Malakanyang

Planong bumili ng condo sa Maynila.
by KC Cordero
Published Feb 9, 2022
President Rodrigo Duterte during his Talk to the People program
Sinisimulan na ni Pangulong Rodrigo Duterte na ibalot at iempake ang kanyang mga gamit sa Malakanyang, at plano niyang lumipat na ng tirahan sa Marso.

Nagsisimula na si Pangulong Rodrigo Duterte na magbalot at mag-empake ng kanyang mga gamit at anumang oras ay handa na siyang lisanin ang Malakanyang.

Ito ang inihayag ng Pangulo sa kanyang Talk to the People noong February 7, 2022.

President Rodrigo Duterte during his Talk to the People program

“Nag-eempake na po ako. In a little over three months, yung excess wala na yun. So, I should be out by March,” sabi ng Pangulo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Dagdag pa niya, “Hindi ko na paabutin ng Abril. Hindi na ako matutulog rin dito. Kung saan ako dalhin ng Panginoong Diyos, mag-practice na ako tulog doon.”

Hindi na rin umano siya mananatili sa kanyang official residence sa Malacañang compound.

Plano raw niyang bumili ng two-bedroom condo sa Maynila at dadalaw na lang sa Palasyo para sa kanyang araw-araw na mga aktibidad sa mga nalalabing araw ng kanyang termino.

“Magpunta na lang ako dito for a day-to-day trabaho, and what’s left of the things that we have to work on.

“I will make a speech one of these days thanking the people for the distinct honor of giving me the position as President.”

Ayon pa sa Pangulo, murang tirahan lang ang bibilhin niya dahil hindi raw niya kaya kung masyadong mahal.

Wala rin umano siyang kamag-anak na matitirhan sa Maynila dahil nasa U.S. na ang mga ito.

“I don’t know where kung saan ako dalhin ng Diyos. But I trust that he would not let me down.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nahalal bilang ika-16 na Presidente ng Pilipinas si Rodrigo Duterte noong May 2016 elections.

Opisya na nagsimula ang kanyang six-year term noong June 30, 2016 at matatapos ito sa June 30, 2022.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sinisimulan na ni Pangulong Rodrigo Duterte na ibalot at iempake ang kanyang mga gamit sa Malakanyang, at plano niyang lumipat na ng tirahan sa Marso.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results