PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Arroceros Urban Forest Park tiyak na dadayuhin sa Manila

Open na ito sa public.
by KC Cordero
Published Feb 9, 2022
Entrance to Arroceros Urban Forest Park
Maraming features ang Arroceros Urban Forest Park na makakatulong sa publiko na pansamantalang makalimot sa stress na dulot ng pandemya.

May bagong pasyalan na sa lungsod ng Maynila.

Pormal na buksan sa publiko ang Arroceros Urban Forest Park. Pinangunahan nina Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso at Vice Mayor Honey Lacuna-Pangan ang inauguration ng 2.72 hectare park.

Ang Arroceros Urban Forest Park ay matatagpuan sa Antonio Villegas Street (former Calle Arroceros) sa central district ng Ermita, Maynila.

Inauguration of Arroceros Urban Forest Park

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Umaasa si Mayor Isko na sa pagbubukas ng Arroceros Urban Forest Park, maraming Pinoy na magpupunta rito ang mare-relax.

Makakatulong rin ang park sa mental health.

Ayon pa sa alkalde, "Marami na kayong papasyalan na open green space and I do believe sa maliit kong kaalaman, ito’y makatutulong sa mental health issue na kinakaharap na hamon o challenges ng ating mga kababayan ngayon na tayong lahat ay sumasailalim sa pangamba ng pandemyang ito na pwedeng magdulot ng panganib sa buhay natin."

MARAMING MAPAGLILIBANGAN

Kabilang sa mga features ng Arroceros Urban Forest Park ang elevated walkway, trail bridge, water fountains, Koi pond, meditation area, exhibit area, coffee shop, vertical garden, public toilets, at special lighting system.

One of the features of  Arroceros Urban Forest Park

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kiosk inside the Arroceros Urban Forest Park

May playground para sa mga bata, at hiwalay na area para sa mga senior citizens.

Family strolling at the Arroceros Urban Forest Park

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Ilang pathways ang nilagyan ng rubber matting para sa mas ligtas na paglalakad.

Trees inside Arroceros Urban Forest Park

Inside the Arroceros Urban Forest Park
Nabili ng Manila city government ang park noong 1992. Mayroon itong 3,000 puno mula sa 61 varieties, at 8,000 ornamental plants.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Tahanan rin ito para sa 10 species ng ibon.

Noong February 2020 ay nilagdaan ni Mayor Isko ang City Ordinance No. 8607, na opisyal na nagdedeklara na ang Arroceros Urban Forest Park ay isa nang permanent forest park.

Wala pang inilabas ang Manila Public Information Office na mga panuntunan kung papayagang makapamasyal sa park ang mga hindi pa bakunado.

Ayon naman sa nakausap ng PEP.ph [Philippine Entertainment Portal] mula sa pamunuan ng Arroceros Urban Forest Park noong February 9, 2022, pinag-uusapan pa ng mga namamahala rito kung magkano ang magiging entrance fee.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Maraming features ang Arroceros Urban Forest Park na makakatulong sa publiko na pansamantalang makalimot sa stress na dulot ng pandemya.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results