May bagong COVID-19 testing and quarantine protocols ang Pilipinas para sa mga Pinoy na nagbiyahe sa ibang bansa at ngayon ay uuwi na. Updated na rin ang mga bansang nasa RED, YELLOW, at GREEN lists para sa Enero 2022.
Nag-update ang Pilipinas noong January 14, 2022, ng COVID-19 testing and quarantine rules nito para sa mga biyaherong manggagaling sa ibang bansa.
Para lang ito sa mga Pilipinong babalik sa Pilipinas.
Hindi pa nagbubukas ng borders ang bansa para sa mga dayuhang may tourist visas.
Naglabas din ang Pilipinas ng listahan ng mga bansang nasa kategoryang “Red,” “Yellow,” at “Green.”
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Ang mga bansang nasa Red List ay itinuturing na high-risk, o mataas ang kaso ng COVID-19.
Ang nasa Green List ay mga bansang low risk o mababa ang kaso ng COVID-19.
Ang nasa Yellow List ay mga bansang moderate risk.
Ang mga biyaherong galing Red List countries and territories—o tinukoy na high-risk para sa COVID-19—ay papayagang makapasok sa Pilipinas ngunit sasailalim sa mga bagong quarantine and testing protocols.
Naririto ang guide sa updated COVID-19 testing and quarantine protocols para international travelers:
PARA SA MGA BIYAHERO MULA SA GREEN LIST COUNTRIES
A. KUNG FULLY VACCINATED:
Kailangan ang negative RT-PCR test na isinagawa 48 oras bago umalis ng bansang pinanggalingan.
Pagdating ng Pilipinas, hindi na sila ire-require sumailalim sa mandatory facility-based quarantine.
Kailangan nilang mag-self-monitor para sa anumang senyales o symptoms sa loob ng pitong araw, mula sa date of arrival.
B. KUNG PARTIALLY VACCINATED, UNVACCINATED, O ANG VACCINATION STATUS AY HINDI MA-VERIFY:
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Kailangan ang negative RT-PCR test na isinagawa 48 oras bago umalis sa bansang pinanggalingan.
Kinakailangang sumailalim sa mandatory facility-based quarantine.
Kailangang kumuha ng RT-PCR test matapos ang limang araw na quarantine.
Kung negative ang resulta ng RT-PCR test, maaari na silang palabasin pero kailangang mag-self-monitor para sa anumang senyales o symptoms sa loob ng 14 araw, mula sa date of arrival.
PARA SA MGA BIYAHERO MULA SA YELLOW LIST COUNTRIES
A. KUNG FULLY VACCINATED:
Kailangan ang negative RT-PCR test na isinagawa 48 oras bago umalis ng bansang pinanggalingan.
Kinakailangang sumailalim sa mandatory facility-based quarantine.
Kailangang kumuha ng RT-PCR test sa ikalimang araw.
Kapag negative ang resulta ng RT-PCR test, maaari na silang palabasin.
Kailangan nilang mag-home quarantine hanggang sa ikapitong araw mula sa date of arrival.
B. KUNG PARTIALLY VACCINATED, UNVACCINATED, O HINDI MA-VERIFY ANG VACCINATION STATUS:
Kailangan ang negative RT-PCR test na isinagawa 48 oras bago umalis ng bansang pinanggalingan.
Kailangang sumailalim sa mandatory facility-based quarantine.
Kailangang sumailalim sa RT-PCR test pitong araw matapos ang date of arrival.
Kapag negative ang resulta ng RT-PCR test, papayagan silang makalabas.
Kailangan nilang mag-home quarantine sa loob ng 14 na araw mula sa date of arrival.
CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!
PARA SA MGA BIYAHERO MULA SA RED LIST COUNTRIES
A. KUNG FULLY VACCINATED:
Kailangan ang negative RT-PCR test na isinagawa 48 oras bago umalis ng bansang pinanggalingan.
Kailangang sumailalim sa mandatory facility-based quarantine.
Kailangang sumailalim sa RT-PCR test pitong araw mula sa date of arrival.
Kapag negative ang resulta, maaari na silang palabasin;
Kailangan nilang mag-home quarantine sa loob ng 14 na araw mula sa date of arrival.
B. KUNG PARTIALLY VACCINATED, UNVACCINATED, AT HINDI MA-VERIFY ANG VACCINATION STATUS:
Kailangan ang negative RT-PCR test na isinagawa 48 oras bago umalis sa bansang pinanggalingan.
Kailangang sumailalim sa mandatory facility-based quarantine.
Kailangang sumailalim sa RT-PCR test pitong araw mula sa date of arrival.
Palalabasin lang sila kapag nakumpleto ang 10-day facility-based quarantine “regardless of a negative RT-PCR result”.
Kailangan nilang mag-home quarantine sa loob ng 14 na araw mula sa date of arrival.
NARIRITO ANG TRAVEL CLASSIFICATIONS NA INAPRUBAHAN NG INTER-AGENCY TASK FORCE ON COVID-19 RESPONSE PARA SA JANUARY 16-31:
RED LIST (HIGH RISK)
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Antigua and Barbuda
Curacao
Malta
Puerto Rico
Spain
Aruba
French Guiana
Mayotte
Saudi Arabia
U.S. Virgin Islands
Canada
Iceland
Mozambique
GREEN LIST (LOW RISK)
Bangladesh
Benin
Bhutan
British Virgin Islands
China (Mainland)
C'ote d'Ivoire
Djibouti
Equatorial Guinea
Falkland Islands
The Gambia
Ghana
Guinea
Hong Kong
India
Indonesia
Japan
Kosovo
Krygyzstan
Montserrat
Morocco
Niger
Oman
Pakistan
Paraguay
Saba
Saint Barthelemy
Senegal
Sierra Leone
Sint Eustatius
Taiwan
Timor Leste
Uganda
YELLOW LIST (MODERATE RISK)
Lahat ng bansa, territories, jurisdictions na hindi nakalista sa itaas.
May bagong COVID-19 testing and quarantine protocols ang Pilipinas para sa mga Pinoy na nagbiyahe sa ibang bansa at ngayon ay uuwi na. Updated na rin ang mga bansang nasa RED, YELLOW, at GREEN lists para sa Enero 2022.
This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
We use cookies to ensure you get the best experience on PEP.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.