Kakanselahin na ng Department of Foreign Affairs (DFA) simula January 10, 2022 ang lahat nang unclaimed passports na ini-release on or before December 31, 2020.
Inilabas ng ahensiya ang advisory noong December 9, 2021.

Ang mga hindi pa nakukuha ang kanilang passport ay may palugit na hanggang January 7, 2022 para ma-claim ito sa DFA Consular Office kung saan isinagawa ang processing.
Kung hindi pa rin makuha hanggang January 7, ang mga aplikante ay kailangang mag-file na ng bagong passport application, pero kailangan nilang kumuha ng “certificate of unclaimed passport” mula sa DFA Aseana o sa DFA Consular Office kung saan isinagawa ang processing ng kanilang unclaimed passport.
Ang aksiyon na ito ng ahensiya ay kaugnay ng DFA Department Order No. 2021-012 ukol sa Disposal of Unclaimed and Spoiled Passports, na nagsasaad na, "a passport left unclaimed by its holder one year after the date it was received by DFA Aseana, or by the Consular Office or by the Foreign Services Post (FSP) shall be canceled.”
Ang mga passport naman na naka-schedule ang release matapos ang December 2020 ay hindi apektado ng department order, at maaari pa ring ma-claim ito sa DFA Consular Office.
Bagaman at walang penalty kung natagalan bago i-claim ang passport, hinihikayat ang publiko na kunin na agad ito sa loob ng 30 araw mula sa scheduled release nito.
Use these Lazada vouchers when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.