PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

GSIS pensioner qualified for Christmas bonus

Ibibigay na simula December 6
by KC Cordero
Published Dec 4, 2021
GSIS main building
Tiniyak ng GSIS Board na maagang ipagkakaloob ang Christmas gift ng kanilang mga pensyunado para makatulong pa rin sa pagbibigay ng masaya at maginhawang Pasko sa mga ito sa kabila ng pandemya.

Ibibigay na ng Government Service Insurance System (GSIS) ang Christmas bonus ng kanilang mga pensyunado simula December 6, 2021.

Ayon kay GSIS president and general manager Rolando Ledesma Macasaet noong December 2, “Sa kabila ng hinaharap nating pagsubok dahil sa pandemya, hangad naming makatulong pa rin sa pagbibigay ng masaya at maginhawang Pasko sa aming mga pensyunado.

“Kaya naman siniguro ng GSIS Board na maaga ang ecrediting ng Christmas cash gift sa kanilang mga UMID [Unified Multi-purpose ID] card o eCard.”

Ang mga GSIS pensioners na tumanggap ng cash gift na mahigit PHP10,000 noong 2020 ay makatatanggap ngayong taon ng isang buwan na halaga ng kanilang pension na hindi lalampas sa PHP12,600.

Para naman sa mga nakatanggap ng mababa sa PHP10,000 noong 2020, tatanggap sila ngayong 2021 ng one-month current pension na maximum na PHP10,000.

SINO ANG MGA QUALIFIED TUMANGGAP NG GSIS CHRISTMAS GIFT?

Kung ang isang pensyunado naman ay nakakuha na ng limang taon na halaga ng kanilang pension at natapos na ang guaranteed five-year period noong December 2020 at tumatanggap na sila ng kanilang regular monthly pension, matatanggap nila ang maximum cash gift na PHP10,000.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kuwalipikado rin sa cash gift ngayong taon ang old-age/retirement at disability pensioners.

SINO NAMAN ANG HINDI QUALIFIED?

Hindi makatatanggap ng cash gift ang mga pensyunadong kabilang sa basic survivorship and dependent pensioners.

Wala ring matatanggap ang nagretiro sa government service mula 2017 at 2021 na nag-avail ng immediate life pension option o cash payments.

Nakuha na kasi nila ang katumbas ng 18 buwan nilang basic monthly salary na pinapayagan sa ilalim ng Republic Act No. 8291, o ang GSIS Act of 1997.

Pinapayuhan naman ng GSIS ang mga pensyunado na kasalukuyang suspendido ang pension dahil sa hindi pagsunod sa online annual pensioners’ information revalidation (APIR) na agad nang i-activate ang kanilang status, on or before April 30, 2022, para matanggap nila ang kanilang Christmas cash gift para sa 2021.

Ang APIR ay isang sistema ng GSIS para mapatunayan na buhay pa ang pensyunado at siya mismo ang tumatanggap ng kanyang pension.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Tiniyak ng GSIS Board na maagang ipagkakaloob ang Christmas gift ng kanilang mga pensyunado para makatulong pa rin sa pagbibigay ng masaya at maginhawang Pasko sa mga ito sa kabila ng pandemya.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results