Para mahikayat ang mga kababayan natin na magpabakuna laban sa COVID-19, inilunsad ng pamahalaan ang “Resbakuna Bakunado Panalo” program.

Opisyal itong inihayag ng Department of Health (DOH) noong October 4, 2021 sa official Facebook page nito.

Magkakaroon ng tsansa ang mga indibidwal na bakunado na manalo ng PHP100,000 hanggang PHP1 million in cash sa grand draw sa December 20, 2021.
Para sumali, i-text ang RESBAKUNAREG
Libre ang text sa prosesong ito.
Kapag rehistrado na, i-text ang vaccine details: RESBAKUNA
Piso naman kada text sa prosesong ito.
May isang raffle entry para sa partially vaccinated.
Kung fully vaccinated, may kabuuang tatlong raffle entries.
Para sa mga nakatanggap ng Johnson & Johnson vaccine, tatlong raffle entries agad ang makukuha.
Doble naman ang makukuhang raffle entries ng mga senior citizen.