PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Cash incentive for Olympic medalists sa iba't ibang bansa

Singapore ang pinaka-generous: PHP37M para sa gold medalist!
by KC Cordero Additional data: Karen A.P. Caliwara
Published Aug 10, 2021
Sa Pilipinas, ang gold medalist na si Hidilyn Diaz (L) ay nakatanggap ng PHP10M cash incentive mula sa gobyerno. Ang mga silver medalists na sina Nesthy Petecio (2nd from L) at Carlo Paalam (2nd from R) ay may PHP5M each. Ang bronze medalist na si Eumir Marcial (R) ay may PHP2M.

Millionaires ang ilan sa mga atletang nakasungkit ng medalya sa Tokyo 2020 Olympics.

Sa pag-uwi nila kasi, may nag-aantay na cash incentive para sa kanila.

Dito na lang sa Pilipinas, sa bisa ng Republic Act 10699 o ang National Athletes and Coaches Benefits and Incentives Act, ang Olympic gold medalist ay tatanggap ng PHP10 milyon; ang silver medalist ay may PHP5 milyon; ang bronze medalist ay may PHP2 milyon.

Inaprubahan ito ni dating Pangulo Benigno “Noynoy” Aquino III noong November 13, 2015.

Bukod pa rito ang mga gifts mula sa iba't-ibang kumpanya, organisasyon, negosyante, at local government units.

Ganoon rin ba sa ibang bansa?

CASH INCENTIVES NG IBA’T IBANG BANSA SA OLYMPIC MEDALISTS

Ang International Olympic Committee ay hindi nagbibigay ng cash prize sa mga nananalo ng medalya.

Sa isang malaking bansa gaya ng United States, ang gold medalist ay tatanggap ng tatanggap ng $37,500 o PHP1.9M mula sa U.S. Olympic at Paralympic Committee. May $22,500 o PHP1.1M para sa silver medalist at $15,000 o PHP755K para bronze medalist.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Wala itong tax, maliban na lang kung ang gross income ng isang atleta ay lalampas sa $1 million.

Ang mga atleta ng U.S. ay nakakatanggap rin ng health insurance, access sa magagandang medical facilities, bukod pa ang college tuition assistance.

Pero mas malaki nang halos 20 times ang ibinibigay ng Singapore sa mga Olympic medalists nito.

Ang makakapag-uwi ng gold ay tatanggap ng SGD1M o PHP37M.

May tax ang prize money at bahagi ng nasabing halaga ay ibibigay sa national sports associations para sa training and development.

Sa ginanap na 2020 Tokyo Olympics ay 23 atleta ang ipinadala ng Singapore, pero wala silang naiuwi kahit isang medalya.

Interestingly, ang top 9 na pinaka-generous sa mga Olympic medalists ay mula sa Asia, lima rito ay mula sa Southeast Asian region.

Base sa talaang ito, nasa top 9 ang Pilipinas, pero hindi kasama sa amount ang iba pang cash incentives at perks mula sa mga kumpanya, organisasyon, at negosyante.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hindi rin kasama ang endorsements.

Ang Japanese tennis star na si Naomi Osaka, halimbawa, ay kinikilalang highest-paid female athlete na kumita ng $55 million o PHP2.8B sa loob ng 12 buwan.

Naririto ang cash incentive na nag-aantay sa mga Olympic medalists sa ibang bansa.

cash incentives, olympuc medalists

References: Forbes.com and CNBC.com

Well-deserved naman ang milyun-milyong cash incentive ng mga Olympians dahil inaabot ng taon ang training, at ang gastusin para sa preparasyon at pagpunta sa host country ay hindi biro.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Masuwerte ang mga bansang may malalaking stipends o allowances para sa mga atleta.

Kapag walang sports agents at walang sponsors o endorsements ay kanya-kanyang hanap ng funding para makabiyahe.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sa Pilipinas, ang gold medalist na si Hidilyn Diaz (L) ay nakatanggap ng PHP10M cash incentive mula sa gobyerno. Ang mga silver medalists na sina Nesthy Petecio (2nd from L) at Carlo Paalam (2nd from R) ay may PHP5M each. Ang bronze medalist na si Eumir Marcial (R) ay may PHP2M.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results