Two thousand pesos para sa bawat Pilipino ngayong panahon ng pandemya.
Layon ng isang panukalang batas na matulungan ang 108 milyong Pilipino, anuman ang kanilang estado sa buhay.
Dito nais i-allot ng mga mambabatas ang PHP216 milyon mula sa PHP405.6-billion Bayanihan to Arise as One Act (Bayanihan 3) campaign ng pamahalaan, ayon kay Marikina Representative Stella Quimbo.
Isa si Quimbo sa mga nagsusulong ng panukalang batas.
AYUDA BILL FOR THE FILIPINOS
Ang plano, bibigyan ng tig-iisang libong piso ang beneficiaries, at aabutan muli ng PHP1,000 pagkalipas ng tatlong buwan.
"This is largely an ayuda bill, a big chunk of the PHP405.6 billion will go to ayuda, PHP216 billion to be exact is our base ayuda, meaning it's the PHP1,000 per Filipino for two tranches," ani Quimbo sa panayam niya sa CNN Philippines ngayong Miyerkules, May 5, 2021.
Diin ni Quimbo, lahat ng Pilipino ay apektado ng pandemya kaya hindi dapat maging “selective” ng panukala kung sino lang ang mabibigyan.
"Kung hindi ka man mamatay sa COVID, baka naman gutom ang ikamatay mo, so that's really where we are at this point.
“Many of our kababayans really need help. Hunger is a very basic problem,” sabi ng Marikina representative.
Dagdag ni Quimbo: "If you're a family of five, regardless of age, you will be entitled to PHP5,000."
Ang indigent o mahihirap na pamilya ang lubos na makikinabang sa ayuda package.
Tinatayang may five members ang karaniwang pamilya, habang ang mas maykayang pamilya ay tinatayang may average size na three members.
Ayon naman kay Albay Rep. Joey Salceda, ang pagbibigay ng universal basic income ay solusyon sa disbursement problem na naranasan sa mga nakalipas na inisyatibo ng pamahalaan.
“Kasi wala nga national ID so mas mabilis kung gamitin mo lang yun number of people per barangay as basis for budgeting and mas maiiwasan natin yung adverse developments, adverse events during the SAP [social amelioration program],” ani Salceda.
Ag SAP ay ang cash-aid program ng gobyerno noong nakaraang taon, subalit maraming nagreklamo na hindi nabigyan dahil wala ang kanilang mga pangalan sa listahan.
Samantala, ang bagong isinusulong na batas ay pumasa na sa joint House panel on economic affairs and social services, at sa committee on ways and means.
Susunod naman itong dadaan sa committee on appropriations at inaasahan ang plenary debate sa bill sa pagbubukas ng House sa darating na May 17.
Samantala, sa ilalim ng Bayanihan Bill 3, bukod sa universal basic income, may nakalaang financial aid din para sa iba pang nangangailangan.
Kabilang dito ang mga nawalan ng trabaho ngayong may pandemya at ang mga naapektuhan ng African swine flu.
"There are other types of assistance programs so basically over and above your base ayuda, you can be entitled to additional ayuda depending on your needs," ani Quimbo.