PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Gladys Reyes, ibinuking ang pagsorpresa ni Jak Roberto sa birthday ni Barbie Forteza

Gladys Reyes, ibinuking ang pagsorpresa ni Jak kay Barbie
by Jojo Gabinete
Published Aug 1, 2018

Sina Judy Ann Santos, Donita Rose, Angelu de Leon at Ilocos Norte Governor Imee Marcos ang special guests sa ribbon cutting at grand opening kagabi, July 31, ng Estela, ang restaurant sa Sta. Lucia East Mall Brickroad na pag-aari ng mag-asawang Gladys Reyes at Christopher Roxas.


Tuwang-tuwa sina Gladys at Christopher dahil dumalo sa pormal na pagbubukas ng Estela ang kanilang pamilya at malalapit na kaibigan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Parehong mainstay ng Inday Will Always Love You sina Christopher at Gladys kaya tiniyak nilang walang conflict sa taping nila sa top-rating prime time teleserye ng GMA-7 ang grand opening ng kanilang restaurant business.

Imbitado sa okasyon ang mga kasamahan nila sa Inday Will Always Love You, pero hindi nakarating si Barbie Forteza dahil kahapon din ang 21st birthday nito at kasama nito sa isang dinner ang kanyang pamilya.

Kinumpirma ni Gladys na dinalaw ni Jak Roberto si Barbie sa set ng Inday Will Always Love You kahapon para ibigay ang giant teddy bear na birthday gift niya sa kanyang girlfriend.

Ayon kay Gladys, wala pa raw tulog si Jak nang bisitahin nito si Barbie dahil nanggaling ang aktor sa taping ng Contessa.

Natawa si Gladys nang ipagtapat nitong hindi natuloy ang Moment Ko’To, ang acting workshop na binalak niya na simulan noong summer dahil naging busy na siya.

Tuwang-tuwa naman si Christopher dahil pinaunlakan ni Governor Imee Marcos ang imbitasyon nila na dumalo sa grand opening ng Estela.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Highly excellent ang PR ni Gladys na mahilig makipagkaibigan kaya naging close friend niya si Imee at ang kapatid nitong si Senator Bongbong Marcos, na parehong naging bisita niya sa kanyang talk show sa Net25, ang MOMents.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results