“Well made at maganda ang Crazy Rich Asians.”
Io ang nagkakaisang pahayag ng mga nanood ng VIP screening noong April 24 ng movie adaptation ng best-seller book ni Kevin Kwan.

Pero walang sinuman sa invited Filipino guests ang naglakas-loob sabihin ang role ni Kris Aquino dahil sa kasunduang pinirmahan nilang hindi sila puwedeng magkuwento tungkol sa kabuuan ng pelikula.
"It’s an important role" ang tanging sinabi ng mga tinanong namin tungkol sa karakter na ginampanan ni Kris sa Crazy Rich Asians.
Pinagbawalan daw kasi silang magsalita hangga’t hindi naipalalabas sa mga sinehan ang pelikulang may playdate na August 17, 2018.

Kris Aquino (right) with Crazy Rich Asians lead star Constance Wu
Meanwhile, deleted na ang Instagram account ng @chickenstar.marikina, na in hot water dahil sa pakikisawsaw niya sa isyu nina Kris Aquino at Korina Sanchez.
Subsidiary ang Chickenstar Philippines ng CPF Foods PCL, isa sa pinakamalaking food company sa Thailand, kaya bawal sa mga empleyado nila sa Pilipinas na gamitin ang pangalan at logo ng kompanya sa pagsali o pakikisawsaw sa mga isyung wala silang direktang kinalaman.
Ginamit ng Instagram user na may handle name na @chickenstar.marikina ang pangalan at logo ng kompanya sa pagbatikos niya kay Kris Aquino.
Itinuturing itong paraan ng cyberbullying na hindi tino-tolerate ng management ng CPF Foods PCL, na isang foreign company na may malaking negosyo sa Pilipinas at hindi maaaring makialam sa mga personal na problema o isyu ng mga Pilipino.
Nang sumagot si Kris ng “Seseryosohin ko ang Manok?” sa komento ni @chickenstar.marikina, walang kamalay-malay ang controversial actress na may isyu sa paggamit ng Instagram user sa logo at pangalan ng Thailand-owned food company.
Trivia: Hindi ang isyu ni Kris Aquino kay Korina Sanchez ang unang pagkakataong nasangkot ang host ng Rated K sa problema ng mga ex-couple.
Nadamay rin si Korina sa nabuhay na hindi pagkakaunawaan sa pagitan nina Sharon Cuneta at Gabby Concepcion dahil sa controversial interview niya ay Megastar sa Rated K noong March 4, 2018.