Ang kanyang ama, ang Comedy King na si Dolphy, ang nakita ni Eric Quizon kay Paolo Ballesteros nang gawin nila ang My 2 Mommies, ang Mother’s Day presentation ng Regal Entertainment, Inc.
Si Eric ang direktor ng My 2 Mommies at para sa kanya, isang intelligent actor si Paolo, ang lead actor ng pelikula.

“Ang napansin ko kay Pao, only intelligent actors kasi, yung pag nag-take, 'tapos nag-take uli, iba yung ibinibigay. Only a few people do that.
“Kunwari, nag-take, may punchline, so yung punchline, na-deliver naman, pero something went wrong, so I had to do another take, iba na naman yung punchline na ibinigay niya.
"'Tapos yung third take, iba na naman.
"Yung fourth take, iba na naman, so they end up nagtatawanan yung mga tao.
"And isa sa mga tao na gumagawa nun is my dad.
"That’s why I said only intelligent actors do that who tries to be different all the time, kasi siguro sanay sa live, sa TV kasi nag-i-Eat Bulaga! siya.
"Si Daddy naman noon, sa stage, kaya parating iniiba yung punchline.
"Kapag ang punchline nagawa mo na, 'tapos ginawa mo ulit, iba na yun. Hindi ka na matatawa.
"He wanted to elicit laughter whenever he delivers a line," ang kuwento ni Eric tungkol sa karanasan niya kay Paolo.
Dahil sa dami ng take at iba’t ibang mga punchline ni Paolo, pinili ni Eric ang pinaka-nakakatawa at pinakamagandang eksena para sa final print ng My 2 Mommies.