Bilib na bilib sina Eric Quizon at Maricel Soriano kay Marcus Cabias, ang 8-year-old child actor na ipinakikilala sa My 2 Mommies, ang Mother’s Day offering ng Regal Entertainment, Inc.

Sumali si Marcus sa auditions na ipinatawag ng Regal para sa bata na gaganap na anak nina Paolo Ballesteros at Solenn Heussaff sa My 2 Mommies.
Nakuha ni Marcus ang atensiyon ni Eric dahil may French language dialogue ang karakter ng bata na hinahanap nila.
Nagpasiklab agad si Marcus dahil binati niya ng "Bonjour" ang lahat ng mga tao nang pumasok siya sa audition room.
Dahil bata pa, hindi marunong magsinungaling si Marcus.
Nang tanungin siya sa presscon ng pelikula tungkol sa kanyang reaksiyon sa same-sex relationship na bahagi ng kuwento ng My 2 Mommies, "It feels a little bit weird because that’s inappropriate."
Bumawi si Marcus nang magtawanan ang entertainment press sa sagot niya.
"I mean, but it’s a unique story. I’m not saying it’s not good, but it’s a unique story to have two dads and two moms, at the same time," ang depensa ng matabil na bata.