PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Young actress, may planong mag-ober da bakod?

by Jojo Gabinete
Published Apr 21, 2018

Tumanggi ang young actress na mag-renew ng kontrata sa home studio niya dahil hihinto na raw siya sa pag-aartista.

Ang brilliant excuse ng young actress, ipagpapatuloy raw niya ang nahintong pag-aaral dahil ang showbiz career ang binigyan niya ng ng priority.

Mababaw ang katuwiran ng young actress dahil alam ng lahat na gustung-gusto niyang umarte at matindi ang kanyang pangarap na sumikat.

Malakas ang hinala ng Cabinet Files na tatapusin lang ng young actress ang exclusive contract niya sa kanyang home network dahil may plano siyang lumipat sa ibang television station.

Wala yatang nagpaalala sa aktres na ginamit na ni Angel Locsin noong 2007 ang dahilan na pag-aaral sa ibang bansa kaya hindi niya ni-renew ang kanyang kontrata sa GMA-7, pero lumitaw ang katotohanan nang lumipat siya sa ABS-CBN.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results