Millennial vlogger na nakakairita ang role ni Diva Montelaba sa The Cure.
Pero sa tunay na buhay, nakakaawa siya sa kuwento niya tungkol sa breakup nila ng kanyang ex-boyfriend na si Steven Silva.

Magka-batch sina Diva at Steven sa StarStruck V, kung saan si Steven ang nanalong Ultimate Male Survivor at si Diva naman ang First Princess.
Sa mga interview sa kanya noong 2015, "mutual decision" ang sagot ni Diva sa mga nagtanong tungkol sa paghihiwalay nila ni Steven noong 2013.

Pero sa presscon ng The Cure noong April 17, nagpakatotoo si Diva dahil ipinagtapat nitong si Steven ang nakipaghiwalay sa kanya ng walang malinaw na dahilan.
"Nung time na ‘yon, hindi malinaw sa akin dahil first boyfriend ko siya.
"Hindi ko maintindihan kung bakit, papaano, kung bakit ayaw na niya.
"Pinuntahan niya ako sa bahay, sinabi lang niya bigla.
"Siyempre, clueless ako kasi wala naman nag-trigger.
"Umiyak ako, yung typical na kaya pa ’to, ayusin natin. Ayaw na niya," ang rebelasyon ni Diva tungkol sa traumatic experience niya sa split up nila ni Steven.
Inamin ni Diva na dumaan siya sa napakahirap na moving-on stage.
Mula nang iwanan siya ni Steven, hindi pa sila nagkikita nang personal dahil hanggang sa Viber lang ang communication nila.