Handa si Lolit Solis na tumestigo para sa komedyanteng si Philip Supnet, aka Kuhol, na inakusahan ng child abuse dahil sa diumano’y panghahalik sa isang ten-year-old girl.

Matagal nang kakilala ni Solis si Kuhol dahil kapwa sila naninirahan sa isang barangay sa Fairview, Quezon City, kaya saksi siya sa mga kabutihan na ginagawa ni Kuhol sa kapwa.
"Naniniwala ako na politically motivated ang bintang kay Kuhol dahil kumakandidato siya sa barangay namin.
"Ang dami-daming tao ang natutulungan niya, at active siya sa simbahan namin.
"Nagkikita kami tuwing Linggo sa simbahan dahil nagsisimba siya, kasama ang asawa niya na maganda.
"Kahit ang parish priest namin, makakapagpatunay na mabuting tao si Kuhol at hindi niya magagawa ang ibinibintang sa kanya," ang pahayag ni Lolit na kumbinsidong may kinalaman sa pulitika ang akusasyon laban sa komedyante.
Naglingkod noon sa barangay nila bilang kagawad si Kuhol, at muli itong kumakandidato.