PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Da One That Ghost Away, birthday presentation ni Kim Chiu

by Jojo Gabinete
Published Apr 14, 2018

All-out comedy movie ang Da One That Ghost Away ng Star Cinema dahil sa pangalan pa lang ng mga karakter, natatawa na ang mga tao na pinairal ang pagkamalisyoso.

Jack Colmenares ang pangalan ni Enzo Pineda sa pelikula, na mapapanood sa mga sinehan simula sa April 18, 2018.

Si Enzo ang gumaganap na apo ni Canturcia (Odette Khan) na best friend ni Poquita (Marissa Delgado).

"Bagang" ang pangalan ni Pepe Herrera sa Da One That Ghost Away, pero "Factboy" ang tawag sa kanya dahil siya ang researcher at tagabigay ng facts tungkol sa mga kliyente ni Kim Chiu.

Apo ni Marissa na isang espiritista na nagkaroon ng Alzheimer's disease ang role ni Kim kaya minana niya ang trabaho ng lola niya.


ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nang magkita kami ni Kim sa grand presscon ng pelikula nila, sinabi namin sa kanya na “Congrats, birthday presentation mo pala ang pelikula!”

“Ha?!” ang parang nagtakang reaksiyon ni Kim.

"Di ba, sa April 18 ang playdate ng Da One That Ghost Away?" ang sabi namin kay Kim.

Ang sagot ni Kim?

“Sa April 19 ang birthday ko!”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results