Ang storytelling book na may pamagat na Chona ang birthday gift kay Regine Velasquez ng staff ng Sarap Diva, ang Saturday morning cooking show niya sa GMA-7.
Chona ang tunay na pangalan ni Regine, na magdiriwang si Regine ng kanyang 48th birthday sa April 22.
Ang unique book tungkol sa life story niya ang naisip ng Sarap Diva staff na iregalo sa kanya.
Ang segment producer na si Pauline Pura, na mahusay mag-drawing, ang illustrator ng storytelling book.

Regine Velasquez with Sarap Diva segment producer Pauline Pura
Isinulat ito ni Faith Monreal at idea ng headwriter na si Gladys Hernando.
Tuwang-tuwa si Regine nang matanggap nito sa taping ng Sarap Diva kahapon, April 10, ang impressive birthday gift sa kanya ng production staff.
Nangako si Regine na pag-uwi sa bahay, ipapabasa niya agad ang Chona sa kanyang anak na si Nate.



Two parts ang 48th birthday celebration ni Regine sa Sarap Diva sa April 21 at April 28.
Invited guest si Kuya Bodjie ng Batibot dahil siya ang magbabasa ng Chona, kasama ang Batibot puppets na sina Ningning at Gingging.
Bago ang airing ng birthday presentation niya sa Sarap Diva, magtatanghal si Regine sa CSI Stadia ng Dagupan City sa darating na Sabado, April 14, para sa 3 Stars, 1 Stars concert nila nina Christian Bautista at Julie Anne San Jose.