Twenty million pesos ang box-office gross ng Never Not Love You sa first two days ng pagtatanghal nito sa mga sinehan, ayon sa Viva Films.
Nagpapasalamat ang Viva Films sa mainit na pagtanggap ng moviegoers sa bagong pelikula nina James Reid at Nadine Lustre at sa mga positive feedback na natatanggap nila.

Rated PG ng MTRCB ang Never Not Love You at Graded A ito ng Cinema Evaluation Board kaya puwedeng panoorin ng mga bata.
Nagpasalamat sina Nadine at James sa presscon noon ng pelikula nila dahil sa komento na sila ang Vilma Santos at Christopher de Leon ng kanilang henerasyon.
Ang tambalan nina Vilma at Christopher ang isa sa pinakasikat na tandem pagdating sa drama noong '80s hanggang '90s.
Ang malaking improvement sa acting abilities nina James at Nadine, ang simple pero heartwarming na kuwento ng pelikula ang napansin ng Cabinet Files nang manood kami sa Vertis North Cinema kahapon, April 1.
Kinumpirma ng ticket seller ng Vertis North Cinema na isa lang ang screening ng Never Not Love You para sa walk-in moviegoers noong Black Saturday dahil sa apat na block screening ng mga supporter nina James at Nadine.
Hindi pa tapos ang 10-day vacation nina Nadine at James sa Phuket, Thailand kaya wala pa silang napupuntahan na mga block screening ng bago nilang pelikula.