PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Kris Lawrence lets Katrina Halili speak about reconciliation

Kris Lawrence’s dream of reconciling with Katrina Halili comes true
by Jojo Gabinete
Published 3 hours ago
katrina halili kris lawrence reconciliation
For years, Kris Lawrence has maintained that if there were one former girlfriend he would want to get back together with, it would be Katrina Halili—the mother of his daughter, Katie. Now, that longtime wish has become a reality.
PHOTO/S: Katrina Halili YouTube

Tinatanggihan ni Kris Lawrence ang mga imbitasyong makapanayam siya tungkol sa nanumbalik na relasyon nila ni Katrina Halili, ang ina ng kanyang anak na si Katie.

Maliban sa sagot na “It just happened” at sa impormasyong nagkabalikan sila ni Katrina noong Setyembre 13, 2026, 12:02 A.M.— na napapanood sa kanilang vlog — hindi na nagbigay ng ibang detalye si Kris tungkol sa masasayang pangyayari sa kanilang buhay.

Buo ang paniniwala ni Kris na si Katrina lamang ang may karapatang magsalita o magkuwento tungkol sa kanilang muling pagkakabalikan.

Dahil dito, tumatanggi siyang magpainterbyu.

Gayunman, pumayag si Kris na ibahagi ng Cabinet Files ang madalas niyang sabihin noong wala pa silang vlog ni Katrina, na hindi “for content” lamang ang kanilang pagbabalikan bilang magkarelasyon.

Read: Kris Lawrence, Katrina Halili officially back together

KRIS LAWRENCE'S DREAM IS NOW A REALITY

Sa mga off-the-record na pag-uusap noon ng Cabinet Files at ni Kris, paulit-ulit niyang sinasabi na kung mayroon man siyang dating karelasyon na gusto niyang balikan, si Katrina lamang iyon at wala nang iba.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kaya nang kumpirmahin nina Katrina at Kris sa kanilang vlog noong nakaraang buwan na muli na silang may relasyon, makalipas ang maraming taon ng paghihiwalay, hindi na nagtaka ang Cabinet Files.

Ang pagbabalikan nila ni Katrina ang matagal nang pangarap ni Kris — isang bagay na tila imposibleng mangyari noon dahil may kanya-kanya na silang buhay.

Ngunit tila tadhana na ang gumawa ng paraan para muling mabuo ang pamilya ni Kris.

Sa ngayon, hindi maipagkakailang maligaya si Kris sa piling ni Katrina at ng kanilang anak.

Read: Kris Lawrence elusive about second chance with Katrina Halili

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
For years, Kris Lawrence has maintained that if there were one former girlfriend he would want to get back together with, it would be Katrina Halili—the mother of his daughter, Katie. Now, that longtime wish has become a reality.
PHOTO/S: Katrina Halili YouTube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results