Dinakip ang advocacy movie director na si "Errol" noong Agosto 15, 2026, ganap na 8:55 ng umaga, sa isang mall sa Barangay Tagapo, Sta. Rosa City, Laguna.
Si "Errol," 42, may-asawa, at residente ng Quezon City, ay dinakip sa bisa ng arrest warrant na inilabas ni Presiding Judge Fernando Tolosa Sagun ng Branch 78 ng Regional Trial Court ng Quezon City.
May kaugnayan ang pag-aresto sa advocacy director sa paglabag niya sa Section B ng Republic Act 7610 (Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation, and Discrimination Act) na may Criminal Cases No. R-QZN-25-05801-CR at R-QZN-25-05802-CR.
May rekomendasyong piyansa na PHP180,000 para sa dalawang bilang o two counts ng kaso.
Tungkol sa anti-bullying ang kuwento ng mga advocacy movie ni "Errol" kaya ikinagulat ng mga nakakakilala sa kanya ang pagkakadawit niya sa mga kaso ng pang-aabuso.
Read: Sugarpop member Vanessa Rangadhol dies at 30 after accident
ADVOCACY DIRECTOR WAS PREVIOUSLY ARRESTED IN PALAWAN
Unang napaulat ang pag-aresto kay Errol at sa isang indie actor noong Nobyembre 2022 sa Puerto Princesa International Airport dahil sa kaso ng acts of lasciviousness na inihain ng dalawang menor de edad na estudyante ng Palawan National School.
Dinakip si Errol at ang indie actor ng mga ahente ng National Bureau of Investigation at ng mga tauhan ng PNP Aviation Security Command.
Pabalik na ang direktor at ang indie actor sa Maynila nang arestuhin sila dahil sa bisa ng warrant na inilabas ni Judge Arlene Guillen ng Branch 13 ng Family Court ng 4th Judicial Region ng Puerto Princesa.
Nagreklamo ang isa sa mga estudyante na nakaranas ito ng pang-aabuso nang kunin siya bilang talent ng advocacy movie project ni Errol.
Nakasaad sa reklamo na ang location manager ng direktor ang pinaratangan ng pagmolestiya sa estudyante.
Napaniwala ang estudyante na normal lamang ang gagawin sa kanya ng akusado at kailangan ito para matupad ang pangarap niyang maging sikat na artista.
Read: Kean Cipriano breaks silence on MRLD, Arthur Nery controversies