Isa sa mga hindi malilimutang karanasan ni Sinon Loresca ang personal niyang pakikipagkita kay Princess Sirivannavari ng Thailand.
Naganap ang kanilang pagkikita sa Thai Textiles Trend Book Spring/Summer 2027 event sa ICONSIAM sa Bangkok noong Agosto 13, 2026.
Personal na inimbitahan ng prinsesa si Sinon sa naturang event, isa sa mga proyektong sinusuportahan nito.
Naging headline sa ilang Thai news outlets at online sites ang kanilang pagkikita. Nakatanggap din si Sinon ng papuri mula sa Thai fans dahil sa ipinapakita niyang respeto sa kanilang kultura at mamamayan.
Dahil dito, itinuring siya ng ilan bilang isang “Goodwill Ambassador” ng Pilipinas.
Nang lumapit ang prinsesa kay Sinon, masaya nitong bati sa kanya: “Nice to meet you, Mabuhay! I follow your Instagram. I like the way you humble my family. Thank you so much. Thank you for loving Thailand.”
SINON LORESCA ON MEETING Princess Sirivannavari
Sa eksklusibong panayam ng Cabinet Files kay Sinon noong Biyernes, Agosto 21, 2026, ikinuwento niya ang naging emosyunal niyang karanasan.
Aminado si Sinon na hindi niya inasahang personal siyang kakausapin ng prinsesa.
Lahad niya: “Yung pag-meet po namin ni Princess, grabe!
"Sobrang overwelmed ako, sobrang happy ko, na-block na ang utak ko. Hindi ko po alam ang gagawin ko dahil prinsesa po yon.
“Three weeks po bago ang event na yon, naloka po ako dahil nag-message po yung assistant ni Princess sa nanay-nanayan ko na gustung-gusto raw akong ma-meet ni Princess kasi fan ko po raw siya.
“Gusto raw niya na palagi kong ipinu-promote ang Thailand. Natuwa rin daw ang Princess sa akin dahil napaka-respectful ko raw po.
“Nang sinabi sa akin ng nanay-nanayan ko na iniimbitahan ako ni Princess sa event nito, sabi ko, ’Hala, totoo ba yan? Baka nagkamali sila, baka hindi ako.'
"Parang imposible na bilang ako, iimbitahan ako ng prinsesa ng Thailand.
“Hindi ko alam ang gagawin ko. Sobrang excited ako. Hindi ako makapaniwala.”
Ang tinutukoy ni Sinon na "nanay-nanayan" ay ang Thai trans woman na si Khun Ta, na malaki ang naging papel sa pagpunta ni Sinon sa event.
Itinuturing daw ni Sinon si Khun Ta na parang tunay na ina na palaging nakasuporta sa kanya tuwing nasa Thailand siya.

“Love na love po ako ni Khun Tha. Para ko talaga siyang nanay. Sa hirap at ginhawa, noon at ngayon, hindi niya ako pinababayaan.
“Every time na umaapak ako sa Thailand, nauuna pa siya sa akin sa airport ng three hours, nag-aantay na siya.
“At kapag nawala ako sa paningin niya ng ilang minuto, hinahanap na talaga niya ako na parang sanggol ako. Napakabait po niya,” saad ni Sinon.
Read: Sugarpop member Vanessa Rangadhol dies at 30 after accident
A ROYAL ENCOUNTER TO REMEMBER
Sa mismong event, hindi na raw umasa si Sinon na kakausapin siya ng prinsesa. Masaya na raw siyang makita ito nang personal.
“So, nang magpunta kami sa event, ang eksena ko, parang okay lang sa akin na masilip si Princess na dumaan sa harapan ko.
“Kahit hindi siya makipag-usap sa akin, okay na ako. Ang makita lang siya ang expectation ko.”
Ngunit iba raw ang nangyari.
Pagbahagi ni Sinon: “Pero bago po dumating ang prinsesa sa event, ipinatawag ako ng assistant niya. Sinabi sa akin na dun lang ako sa gilid dahil gusto talaga akong makilala ng prinsesa.
“Pinahilera ako sa daraanan mismo ni Princess. Ang daming mga nakahilera, parang mga VIP lahat. Matataas ang posisyon.
“Hala, nanginig po ako! Sabi ko, 'Totoo ba ito?' Hindi ko alam ang gagawin ko kasi sobra ko po talaga siyang iniidolo.”
Ayon kay Sinon, matagal na niyang sinusubaybayan ang prinsesa, lalo na ang mga fashion event nito sa ibang bansa.
“Lagi kong pinapanood ang mga video niya, lalo na kapag nagta-travel siya sa abroad at may fashion show event siya.”
Nang tuluyang lumapit sa kanya ang prinsesa at banggitin ang Instagram account niya, hindi na raw nakapag-isip nang maayos si Sinon.
“Nang dumating siya, yung mga sinabi niya sa akin na, ‘Thank you so much for humbling my family. I follow your Instagram,’ alam ninyo po, hindi ko na yon narinig. Na-mental block na po ako.
“Nag-acknowledge na lang ako. Sa sobrang excitement ko, hindi ko na alam ang sasabihin ko. Ang mga sinabi ko lang, ’Thank you so much po.’
“Yun lang, wala na akong ibang masabi kasi po prinsesa na yung nasa harapan ko. Gusto ko na lang pumikit.”
Maging si Khun Tha ay natuwa raw sa nangyari.
“Ang sabi ng nanay-nanayan ko, ’Grabe kinausap ka ng prinsesa. Pina-follow ka pa niya sa Instagram,”
Ipinagmalaki rin ni Sinon na pinaghandaan pa umano ng prinsesa ang kanilang pagkikita, kabilang ang pag-aaral sa pagsasalita at kahulugan ng “Mabuhay.”
“Grabe, nakaka-proud. Dream come true talaga. I am so humbled. Sabi ko, sana maging proud din para sa akin ang mga kababayan ko.”
Read: Sinon Loresca gains attention for wearing traditional Thai dress

SINON BECOMES THAI NEWS HEADLINE
Hindi inakala ni Sinon na magiging malaking balita sa Thailand ang kanilang pagkikita.
“Nang mag-post ako sa social media, sinabi ng Thai fans ko na napaka-lucky ko raw po dahil na-meet ko ang prinsesa. Love na love daw nila ang royal family.
“Hindi naman ako nag-e-expect na mahe-headline ako, magiging news ako sa buong Thailand.”
Siyam na taon nang pabalik-balik si Sinon sa Thailand. Bahagi na rin ng kanyang tradisyon ang pakikibahagi sa Songkran Festival, ang pagdiriwang ng Thai New Year.
Ngayong 2026, mas naging visible siya sa Thai media.
“Ngayong 2026, napaka-blessed ko po dahil headline po tayo sa Thailand. Nasa news ako na social media influencer from the Philippines, pumunta sa Thailand para tulungan sila na i-promote ang tourism.
“Natuwa po talaga sila. Naaliw ako kasi tinanggap talaga nila ako nang buong-buo. Minahal po nila ako kahit hindi nila ako kadugo, hindi nila ako kauri,”
Noong Mayo 10, 2026, naging analyst din si Sinon sa gabi ng koronasyon ng Miss World Thailand 2026, bagay na muli niyang iniuugnay sa kanyang kasikatan bilang “King of Catwalk.”

Read: Sinon Loresca appears as analyst at Miss World Thailand 2026
SINON SAYS HE WILL NEVER FORGET THE PHILIPPINES
Sa kabila ng mainit na pagtanggap sa kanya sa Thailand, iginiit ni Sinon na hindi niya nakakalimutan ang kanyang pinagmulan.
“Ang pagtanggap po nila sa akin sa Thailand, parang kagaya rin nilang lahat na parang lokal ako. Sobrang mahal na mahal po nila ako.
“Pero hindi ko po nakakalimutan ang Pilipinas. Nag-start po ang career ko sa Pilipinas. Lagi kong binabalikan ang Pilipinas.
“Kung anuman po ang ginagawa ko sa iba’t ibang panig ng mundo, para po ito sa mga Pilipino,” sabi ni Sinon.
Bilang miyembro ng LGBTQ+ community, nais din daw niyang ipakita sa ibang bansa ang magandang imahe ng mga Pilipino.
“Alam ninyo po, kahit LGBTQ member ako, gusto kong i-represent ang community natin with respect, love and sincerity.
“Gusto ko na malaman nila na tayong mga Pilipino na nasa ibang bansa, magalang, mabait, marespeto at mapagmahal.
"Yan po ang mga ini-embody ko bilang isang Pilipino kaya proud ako palagi na maging Pilipino.
“To represent the Philippines kapag nasa ibang bansa ka, ang sarap sabihin sa buong mundo na Pilipino po ako.”
Bagamat mas madalas na siyang nananatili sa Thailand, umaasa pa rin si Sinon na makababalik sa Pilipinas at maipagpapatuloy ang kanyang showbiz career.
Aniya:“Sana po sa tamang panahon ay makabalik ako sa Pilipinas at mabalikan natin ang showbiz career ko.
"Diyan po ako nagsimula, napakalaki po ng respeto ko sa Pilipinas at hindi po ako makikilala ngayon kung hindi dahil sa mga Pilipino na mula noon hanggang ngayon, patuloy sila na sumusuporta sa akin.”
Para kay Sinon, malaking bahagi rin ng kanyang pagkakakilanlan ang iconic niyang pagsusuot ng high heels habang rumarampa.
Halos isang dekada na niya itong ginagawa.

“Minahal po nila tayo dahil sa napakakabogera kong high heels," sabi ni Sinon.
"Yung high heels na yan, almost ten years ko nang ginagawa at minsan, inaamin ko po sa inyo na nakakaumay na.
"Pero yung mga tao na nakakapanood sa akin na laging nakasubaybay sa catwalks ko, hindi po sila nauumay.
“Kaya hanggang dulo pa ang paggamit ko ng high heels. Hindi po ito mai-stop.
"Tuloy po ang laban ko, tuloy po ang pagrampa ng mataas na high heels ni Sinon Loresca.”
Read: Kean Cipriano breaks silence on MRLD, Arthur Nery controversies