Nag-umpisa noong Oktubre 1, 2022 ang shooting para sa mga eksena ng Call My Manager, ang Philippine adaptation ng Dix pour cent (Ten Percent), ang 2015 award-winning French TV series na tumatalakay sa buhay ng mga talent agent at ng mga artista.
Apat na taon matapos mag-umpisa ang shooting para sa Call My Manager, mapapanood na ito sa HBO Max simula sa Agosto 13, 2026.
Mga bida sa Call My Manager sina Judy Ann Santos, Edu Manzano, RK Bagatsing, at Gina Alajar.

Isang lesbian talent manager ang ginagampanan ni Judy Ann.
Nag-aabang ang lahat kung pumayag din siyang magkaroon ng kissing scene sa kapwa babae dahil may ganitong eksena sa kuwento ng original version.
Si Angel Locsin ang dapat gaganap sa karakter ng lesbian talent agent, pero tinalikuran niya ang proyekto kaya si Judy Ann ang ipinalit sa kanya.
Perfect replacement si Judy Ann dahil nabigyang-buhay nito nang buong husay ang role na ipinagkatiwala sa kanya.
Read: Julia Barretto denies viral cryptic post allegedly aimed at Joshua Garcia
STAR-STUDDED TELEVISION SERIES
Si Erik Matti ang direktor ng star-studded series dahil kasama rin sa cast sina Maricel Soriano, Snooky Serna, Edgar Mortiz, Kiray Celis, Elijah Canlas, Cristina Gonzales, Carla Humphries, Janine Gutierrez, Dolly de Leon, at marami pang iba.
May special participation sa Call My Manager ang movie producers na sina Roselle Monteverde at Vincent del Rosario.
Ang kanilang mga sarili ang ginagampanan ng mga nabanggit na personalidad sa drama-comedy series na may walong kabanata.
Mapapanood din sa Call My Manager ang entertainment reporters na sina MJ Marfori at Mario Dumaual.
Ang Call My Manager ang huling proyekto ni Mario bago ito pumanaw noong Hulyo 5, 2023.

Noong nabubuhay pa si Mario, gustung-gusto nitong ibalita sa TV Patrol at magsulat tungkol sa Philippine adaptation ng Call My Manager, pero hindi niya nagawa dahil sa Non-Disclosure Agreement (NDA) na pinirmahan ng lahat ng mga miyembro ng cast.
Ang Call My Manager din ang huling acting assignment ni Anjo Pertierra dahil kinuha na siya bilang weatherman ng GMA News.
Dix pour cent, na may kahulugan na Ten Percent, ang titulo ng popular French TV series.
Nang bilhin ito ng Netflix noong 2015, Call My Agent! ang ginamit nilang pamagat.
Dahil sa global popularity ng Call My Agent!, na nanalong Best Comedy Series sa 49th International Emmy Awards noong Nobyembre 2021, nagkaroon ito ng Turkish, British, South Korean, Indian, Italian, Malaysian, Polish, German, at Indonesian versions.
Read: Boss Toyo apologizes after Kara David documentary backlash