Ang summa cum laude Fine Arts graduate na si Julie Ann Baltar, 22, ang inatasan ni Boy Abunda para magpinta ng Buwayaserye, na tungkol sa mga anomalya sa flood-control projects na nabulgar noong Agosto 2025.
Akma ang title ng commissioned paintings sa mga pulitiko at opisyal ng pamahalaan na ganid sa salapi at kapangyarihan.

ABOUT Julie Ann Baltar
Si Julie Ann ang isa sa mga scholars ng King of Talk sa Philippine Women’s University, at natapos niya ang kanyang kurso noong nakaraang taon.
Muntik nang huminto si Julie Ann sa pag-aaral dala ng kahirapan, pero natupad ang pangarap niyang makapagtapos dahil sa tulong ni Boy.
"May time na hindi ko na kinaya na ipagpatuloy ang pag-aaral ko because of financial problems po.
"Wala po kasing sapat na pera para sa allowance ko. Saka mahirap po na mag-aral na every week, nag-o-overthink ako, 'Hala saan kukuha sina Mama ng pera?'"
Parehong may trabaho ang kanyang mga magulang, pero hindi raw sapat ang kita nila.
"Yung work po nina Mama at Papa, hindi ganoon kalaki ang suweldo.Yung mother ko po, cook sa canteen sa isang school sa Cavite.Yung Papa ko po, tricycle driver,” ang kuwento ni Julie Ann tungkol sa kanilang mahirap na pamumuhay.
Mabuti na lang at nakilala niya ang TV host.
“Yung professor ko po, may koneksiyon kay Sir Boy, inilapit po niya ako.
"Gumawa po ako ng letter para kay Sir Boy.
"Ginawan ko rin po siya ng artwork. Sila po ng mother niya.
"After ilang days, sinabi po niya na gagawin niya ako na scholar. Nag-continue po ako sa pag-aaral since malaking opportunity.
"Ang sagot po niya, yung allowance ko. Yung sa tuition po, academic scholar po ako ng PWU,” ang sabi ni Julie Ann.

ABOUT BOY ABUNDA'S COMMISSIONED PAINTINGS
Nagdetalye ang fresh garduate tungkol sa Buwayaserye paintings na proyekto ni Boy.
"Siya po ang nagpagawa sa akin. Di ba po noong August 2025, pumutok yung issue ng flood control?
"Since, ako yung Fine Arts scholar ni Sir Boy, ako yung kinausap niya kasi nagkaroon siya ng idea na gusto niyang gawan ng artwork ang flood control na very controversial at sobrang laking isyu para sa bansa natin."
Inilarawan niya kung paano ang naging work process nila. May creative input ba si Boy?
"Nagbigay sa akin si Sir Boy ng background kung bakit niya naisip ang Buwayaserye.
"Yun nga po, sobrang kawawa ng ordinary citizens sa Pilipinas because of that issue.
"Ang galawan po namin ni Sir Boy, magbibigay siya ng concept then ibi-vizualise ko. Gagawa ako ng sketches ng mga concept ni Sir Boy,” ang kuwento ni Julie Ann sa panayam sa kanya ng mga miyembro ng media, kabilang ang Cabinet Files.

Sa parte naman ni Boy, ang pinanggagalingan niya ay hindi dapat makalimutan ng mga susunod na henerasyon ang pangyayari.
"July 2025 was the State of the Nation address of the President. Kung tama ang pagkakaalaala ko, pumutok ang flood control controversy sometime August 2025.
"Isa lang talaga ang gusto ko, this is my little contribution to future generation so that we may not forget whatever it is,” ang paliwanag ni Boy.
Isa sa rason niya kung bakit ang fresh graduate ang pinili niya for the project ay para matulungan ito sa pagsisimula niya bilang painter.
"Julie Ann was my scholar. She went to PWU. She graduated summa cum laude. Isa siya sa aking mga scholars. Nauna lang siya kina Aljon Mendoza at Kaori Oinuma, they will be graduating this July.
"I told her na hindi dahil naka-graduate ka na, gusto kong makatulong kung ano ang susunod. At least, mag-take off ka,” ani Boy na planong magkaroon ng exhibit para sa Buwayaserye paintings ni Julie Ann
"What’s next? Sabi ko, let’s do an exhibit. Do I intend to sell? Ngayon ang sagot hindi. Parang ayoko, parang archival.
"Imagine the value of these paintings twenty years from now? Iyon ang iniisip ko na para pag-usapan. Nagiging conversation ng mga bata."
Read:
Sam Verzosa admits he fell deeply for Rhian Ramos; now calls love a distraction
Sachzna Laparan and Mark Pascual end three-year relationship
Para kay Boy, maraming puwedeng maging silbi ang isang work of art.
"Nangyari lang na political, pero I think, importante rin ang visual art to provoke conversations regardless of what you think, what I think, may pinag-uusapan tayo."
May mga pina-revise ba siya?
“Very minimal ang contribution ko. Nagko-comment lang ako, ganito, ganyan.
"Mag-ingat ka kasi nung una, yung brands, pinapangalanan talaga niya.
"Sabi ko, dapat hindi kamukha nito not because natatakot, but a lot of these cases are still in trial. Who are we to preempt judgment, di ba?
"Sabi ko sa kanya, capture the spirit of the moment.
"Ako talaga, importante sa akin na huwag nating kalimutan after two months, after two years.
"May mga nagsasabi na nga na huwag na nating pag-usapan iyon. Dito na tayo sa ganito…Hindi, e. Yung pagkuwestiyon sa ano ba ang nangyari? Ano ba ang tama? Ano ba ang mali? Ano ba ang karapatan natin? Ano ba ang ninakaw sa atin? Ano ba ang magagawa natin.
“Kahit man lang sa mga katanungan na iyon, dapat tuluy-tuloy. Sabi ko nga kay Julie noon, part of your responsibility as a Filipino visual artist, Filipino painter is to tell your story and to provoke discussion."