PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Ian, Matet spark reconciliation buzz after latest Facebook posts

Ian de Leon tags Matet in post; Matet posts family photo.
by Jojo Gabinete
Published 3 days ago
ian de leon matet de leon reconciliation
Ian de Leon sparks speculation that his rift with sister Matet de Leon may finally be easing after sharing a Facebook post thanking her for a "wonderful conversation." Matet also recently posted a throwback photo with Ian, Lotlot, and their late mother, Nora Aunor, giving fans hope that reconciliation may be possible.
PHOTO/S: Facebook

Nagkaayos na ba ang magkapatid na Ian at Matet de Leon?

Natuwa at nabuhayan ng pag-asa ang mga tagahanga ni Nora Aunor, pati na ang mga sumusubaybay sa kuwento ng hidwaan ng kanyang mga naulilang anak, dahil sa Facebook post ni Ian ngayong Martes, Hunyo 30, 2026.

Mensahe niya: “Thank you so much for the wonderful conversation! God bless us and our family!”

Naka-tag sa social media post ni Ian ang kanyang nakababatang kapatid na si Matet.

Pahiwatig itong nagkaroon na sila ng komunikasyon.

ian de leon post
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hindi pa naman nagbibigay si Matet ng pahayag tungkol sa social media post ni Ian.

Pero ibinahagi niya sa kanyang Facebook page noong Lunes, Hunyo 29, ang lumang larawan nila nina Lotlot at Ian, kasama ang kanilang pumanaw na ina.

“We miss you ma” na may smiling at heart emoji ang caption ni Matet sa larawan nila.

matet de leon post
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Umaasa ang mga nagmamalasakit sa magkakapatid na ang mga Facebook post nina Ian at Matet ang simula ng kanilang pagkakasundo matapos ang iringan nilang lumala, ilang buwan matapos sumakabilang-buhay si Nora noong Abril 16, 2025.

Read: Ian de Leon: "Each family has its own issues."

IAN DE LEON VS. HIS SIBLINGS

Nakumpirmang may hidwaan ang mga anak ni Nora nang sumambulat ang galit ni Lotlot de Leon kay Ian sa story conference ng pelikulang 40 Days ng LVD Productions noong Hunyo 19, 2026.

Nasaktan at nagalit si Lotlot sa mga pahayag ni Ian sa Fast Talk With Boy Abunda tungkol sa Nora Aunor Foundation na itinatag ng kanyang kapatid.

Sa panayam ay sinabi ni ian na ipinaalam niya sa kanyang mga kapatid ang pagtatayo niya ng one-man corporation kaugnay ng naiwang assets at legacy ng kanyang inang si Nora Aunor: ang Nora Aunor Enterprise (for profit) at ang Nora Aunor Foundation (non-profit).

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Bahagi ng pahayag ni Ian: "I also, you know, wanted them to be involved in the... This was still a concept during that time.

"And I wanted them to be involved in the... wala pang OPC nun with the plans that I had to continue Mom's legacy.

"And I think nung time na yun, they weren't ready, because it was still a concept, di ba?

"But I told them that I would pursue this. I'm willing for everyone to be on board."

Itinanggi rin ni Ian ang naunang pahayag ni Matet na hindi sila sinabihan ni Ian tungkol sa pagtatatag nito ng one-person corporation.

Sabi ni Ian: "No... no. I told them. In fact, there was a meeting that was held, sa Zoom meeting, where Matet was also there twice. She was aware."

Read: Ian de Leon responds to sister Lotlot's tirades against him

Galit na galit namang pinabulaanan ni Lotlot ang mga pahayag ni Ian nang humarap ang aktres sa story conference ng pelikulang 40 Days.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pagkastigo niya kay Ian: "Hindi ko maintindihan kung bakit puro kasinungalingan ang lumalabas sa bibig mo, Ian! Bakit?'

“Sinabi niya kanina sa Fast Talk, sinabi daw niya sa akin, kay Matet, kay Kiko, kay Ken na magtatayo siya ng one-person corporation, ng enterprise.

"He never told us. He never told us. Never shared with us anything at all. Wala siyang shinare, wala siyang sinabi, wala siyang kinuwento.

“Hinahayaan na lang namin. Ako, tahimik na ako.

"But I will not allow anyone to put Matet down, to put Kiko down, to put Ken down, and to say all these lies ‘coz it’s not true!"

Galit na galit na sabi pa ni Lotlot: “Ikakayaman ko ba ang pagsisinungaling? Ikakayaman ko ba ang pang-iisa ng kapwa?

"Ang gaba [karma] ng Panginoon, dyusko, matakot tayo, sa totoo lang!

“Pero hindi na ako papayag. Enough! Enough with the lies! Enough with all of that!

“Tahimik ako, tahimik na si Matet, tahimik si Kiko, tahimik si Ken!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Wala na kaming sinasabi, and then you go out on the TV show and then you tell everyone na sinabi mo sa amin, which is not true!"

Read: Lotlot breaks down in tears over Ian feud: "He can have it all!"

Dahil sa paglalabas ni Lotlot ng sama ng loob sa usapin ng mana, marami ang nagkaroon ng interes na panoorin sa YouTube ang panayam ni Boy Abunda kay Ian na meron nang isang milyon na views sa kasalukuyan.

Kaagad namang nag-react si Ian sa pamamagitan ng Facebook.

Aniya: “Who put down the siblings? Did you even watch the whole show before reacting?

“Kayo lang ba pwede magpa-interview? I don’t go out just like that. It’s for Father’s Day episode.

“Enough with the lies? You stop. You stop telling lies especially to my dad."

Makalipas ang ilang araw ay si Matet naman ang naglabas ng saloobin sa pamamagitan din ng social media.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Mensahe niya kay Ian: "Para sa’yo, 'kuya' ian, sana sinabi mo rin sa tao yung mga nagawa mong mali.

"Na hindi totoong nang kakamkam kami.

"Na yung zoom meeting (tutal nabanggit mo na) eh para sa play na feeling ko mali at hindi enterprise o foundation?"

Sabi pa niya: "Sana hindi mo na e-enjoy ito. Sa tingin mo ba, deserve namin to?

"Na winawalanghiya kami ng tao kahit alam mo kung sino at anong klaseng tao kami? Mukha kaming kupal kahit alam mong hindi."

Read: Matet blasts bashers, challenges Ian to tell the whole story

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ian de Leon sparks speculation that his rift with sister Matet de Leon may finally be easing after sharing a Facebook post thanking her for a "wonderful conversation." Matet also recently posted a throwback photo with Ian, Lotlot, and their late mother, Nora Aunor, giving fans hope that reconciliation may be possible.
PHOTO/S: Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results