Namayagpag ang mga Pinay sa Sashing Ceremony ng inaugural edition ng Miss Grand International All Stars na ginanap sa MGI Hall, Bangkok, Thailand, noong Martes, Mayo 19, 2026.
Sina Imelda Schweighart, Alexia Núñez, Gazini Ganados, Fuschia Anne Ravena, at Keylyn Trajano ang limang Pinay na opisyal na kalahok sa Miss Grand International All Stars.

Pagkatapos ng Sashing Ceremony at Welcome All The Stars to Bangkok event, nag-trend sa Pilipinas si Gazini dahil sa kanyang pagrampa sa entablado.
Pero si Alexia ang nakasama sa listahan ng Top 7 ng World’s Choice Award, na maaaring magbago pa ang resulta, depende sa mga botong matatanggap nila mula sa kanilang mga tagasuporta.
Bukod sa partisipasyon ng mga kandidata mula sa Pilipinas, si Miss Grand International 2024 Christine Juliane Opiaza ang host ng programa.
Read: Pinay reps stun in airport and arrival looks at MGI All Stars
MISS GRAND INTERNATIONAL ALL STARS
Ang pangalan ng mga kandidata at hindi ang mga bansang kinakatawan nila ang nakasulat sa sash para maiwasan ang kalituhan.
Nanguna ang China sa may pinakamaraming bilang ng kandidata, anim, sa Miss Grand International All Stars.
Pumapangalawa ang Pilipinas na may limang kalahok.
Sa talumpati ni Nawat Itsaragrisil, ang presidente at founder ng Miss Grand International All Stars, inanunsiyo niyang dalawang beses mangyayari sa isang taon ang naturang beauty pageant.
Saad niya: “MGI All Stars is not every year, maybe two times a year, because I believe that so many beauty queens, they still have their dreams.
"They want to show their potential. They want to learn from their last experience, improve themselves.
"So, maybe the second episode will happen at the end of this year.”
Sinabi rin ni Nawat na puwedeng-puwedeng sumali ulit sa “second episode” ng Miss Grand International All Stars ang mga hindi mananalo sa “first episode.”
Aniya: “If they cannot make it this time, everyone can come back again. Your dream cannot stop.
"MGI All Stars will never stop you. You can return anytime you want.
“This is the new platform that will open new hopes, new opportunities for the beauty queens.
"I wish you good luck and success, but only one can take home the MGI All Stars crown."
Read: Viral judge steals spotlight from looksmaxxing founder Clavicular at court hearing