PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

VMX star Sahara Bernales considers joining Miss Grand PH 2026

Sahara Bernales supports siblings through showbiz while eyeing beauty pageants.
by Jojo Gabinete
Published 9 hours ago
sahara bernales
Monay star Sahara Bernales opens up about her love for pageantry, supporting her siblings through school, and her dream of eventually crossing over to mainstream film and television projects.
PHOTO/S: Instagram

Pinag-aaralang mabuti ng VMX star na si Sahara Bernales ang posibilidad na pagsali sa Miss Grand Philippines 2026.

Sa media conference ng pinagbibidahan niyang pelikula, ang Monay, sinabi ng ilang reporters na taglay niya ang mga katangian ng isang beauty queen, lalupa’t Pilipinang-Pilipina ang kanyang angking kagandahan.

“Puwede ba kahit sexy star?” unang reaksyon ni Sahara tungkol sa pagbubuyo sa kanyang sumali sa beauty pageant.

“Actually, pinag-iisipan ko pa talaga. After kasi nung mediacon ng Monay, parang naisip ko rin na, 'Oo nga ano? Bakit nga hindi ako sumali kung puwede pa pala.'”

Nakipag-ugnayan ang Cabinet Files kay Sahara ngayong Miyerkules, Mayo 20, 2026 dahil sa Facebook post niya tungkol sa pagsali sa Miss Grand Philippines 2026.

Saad niya: “Pero nagtatanong pa po ako sa friends ko at sa mga handlers na kakilala kong sumasali na sa mga national beauty pageants.

“Naisip ko rin talaga na bakit nga ba hindi ko bigyan ng chance yung isa sa first love ko, ang pagrampa at pagiging kontesera?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Hindi pa naman ako fully decided dahil tinitingnan ko pa kung kaya ng powers ko kasi medyo magastos.

"Although, may mga nakakausap naman na ako na puwedeng mag-train sa akin sa Q&A.”

Read: Viral judge steals spotlight from looksmaxxing founder Clavicular at court hearing

TRANS FATHER AND LESBIAN MOTHER

Si Sahara ay naging daily winner sa "Sexy Babe contest" ng It’s Showtime noong Abril 2022, gamit ang pangalang Sahara Cruz.

Nang pumasok si Sahara sa showbiz, hindi nito inilihim na dating transgender woman ang kanyang ama at tomboy ang nanay niyang half-Aeta.

Nang kumustahin ng Cabinet Files ang mga kanyang mga magulang, sinabi ni Sahara na hindi na nagbibihis-babae ang tatay nito at babaeng-babae na ang nanay niya.

Lahad niya: “Malambot pa rin ang papa ko, pero lalaki na ang hitsura niya. Yung nanay ko, babaeng-babae na.

“May parlor ang papa ko, nagre-rebond siya at naggugupit.

"Nagtatahi [ng damit] ang nanay ko na dating OFW."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
sahara bernales parents
Sahara Bernales with her parents

Pagpapatuloy niya: “Hindi kami mayaman. Sobrang hirap din kahit nagtatrabaho sa ibang bansa yung mother ko.

"Bata pa lang ako, working student na ako.

“Ang natutunan ko, hindi ko dapat sayangin yung prime years ko. So, hangga’t kaya, gagawin ko lahat ng puwede kong gawin.”

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Read: VMX star Sahara Bernales, proud sa amang dating trans woman

SAHARA BERNALES ON HELPING HER SIBLINGS' EDUCATION

Monay ang pamagat ng bagong VMX movie na pinagbibidahan ni Sahara dahil sa istorya, may-ari siya ng bakery na monay ang specialty.

Sa pagkakatanda ni Sahara, mahigit sa labinlima na ang bilang ng mga pelikulang ginawa niya para sa VMX.

Pero hindi pa raw siya nakakapagpundar para sa sarili dahil ang pagpapaaral sa tatlong kapatid ang kanyang inuna.

Saad niya: “Hindi kasi ako materialistic na tao. Ang naipundar ko is yung mga magiging diploma ng mga kapatid ko.

“Tatlo yung college ko, ga-graduate na yung isa this year.

"Yung isa accountant, yung isa IT. Awa ng Diyos, matatalino sila.

“Inuuna ko muna sila. Siguro by 2028, matatapos na silang lahat. Ako naman yung next na mag-aaral.”

Hindi lamang ang pagsali sa isang national beauty pageant ang pinag-iisipang mabuti ni Sahara.

Kasama rin daw sa pangarap niyang magkaroon ng mga mainstream project.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Ang gusto kong ma-achieve, mag-mainstream. Gusto kong makita ang hitsura ko sa sinehan. Gusto kong makita ako sa TV, sa mga teleserye.

“Sa goal ko naman sa family, gusto kong makatapos ng pag-aaral ang mga kapatid ko at mapa-renovate ko ang bahay nina Mama at Papa, saka magkaroon din ako ng sariling bahay at lupa,” asam ni Sahara.

Read: Singha beer heir Psi Scott accuses older brother of sexual abuse; Pi Scott denies claims

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Monay star Sahara Bernales opens up about her love for pageantry, supporting her siblings through school, and her dream of eventually crossing over to mainstream film and television projects.
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results