PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Dimple Rubia opens up on sister’s depression after video scandal

Dimple Rubia stars as woman secretly filming victims in Scandal Queen.
by Jojo Gabinete
Published 1 Hour ago
dimple rubia scandal queen
VMX star Dimple Rubia turns emotional as she opens up about her younger sister’s painful experience as a victim of a leaked video scandal allegedly involving an ex-boyfriend.
PHOTO/S: Jojo Gabinete / VMX PH Facebook

Scammer na bumibiktima ng mga kalalakihan at palihim na kinukunan ng video ang mga pribadong sandali nila ang karakter na ginagampanan ni Dimple Rubia sa Scandal Queen.

Ang Scandal Queen ay VMX movie na halaw ang kuwento mula sa totoong karanasan ni Nico Locco, isa sa mga artistang biktima ng video scandal.

Sa tunay na buhay, may mapait at masakit na karanasan si Dimple dahil naging biktima ng video scandal ang kanyang nakababatang kapatid na babae.

At ang masaklap pa, dating boyfriend ng kanyang kapatid daw ang may kagagawan.

Napaluha si Dimple nang ikuwento niya ang matinding pagsubok na pinagdaanan nila ng kanyang pamilya, tatlong taon na ang nakalilipas.

“Kaming family ang huling nakaalam [tungkol sa video scandal]. Buong lugar sa amin, lahat nakita nila.

"Nahirapan ang mama at papa ko kasi hindi namin matanggap na may scandal ang kapatid ko,” nangingilid ang luhang pagbabahagi ni Dimple.

Read: Nico Locco identifies, tracks down woman linked to video scandal

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

VICTIM OF BLACKMAIL

Ayon kay Dimple, naging biktima ng blackmail ang kanyang kapatid dahil nakikipaghiwalay ito sa ex-boyfriend, na sinampahan nila ng kaso pero nakalaya at hindi na matunton ang kinaroroonan.

“Niloko ang kapatid ko ng suspect dahil may pinapirmahan ito sa kapatid ko. Napapirma niya ang kapatid ko na iurong ang kaso. Malakas ang kapit niya.

“Hindi ko alam kung bakit ginawa iyon ng kapatid ko.

“Ang nabalitaan ko lang, yung sister ko nakipagkita uli sa guy, tapos parang nilulong siya sa droga.

“Sobrang sakit kasi wala naman siguro ang may gusto na pagdaanan yon, na maging ganoon ang nangyari sa kanya.

“Pero kahit ganoon ang nangyari sa amin, nandito pa rin kami para sa kanya,” lumuluhang pahayag ni Dimple.

Nang personal na kausapin ng Cabinet Files si Dimple, inamin nitong napanood niya ang video scandal ng kanyang kapatid.

Twenty-eight years old na ngayon ang kapatid ni Dimple, at tatlong taon nang naka-confine sa isang rehabilitation facility dahil sa pagkakaroon ng depresyon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ipinagtapat ni Dimple sa Cabinet Files na tumindi ang depression ng kanyang kapatid nang mabuntis ito ng ex-boyfriend at magsilang ng sanggol.

Pero namatay ang sanggol makalipas ang 40 araw.

Nagdesisyon ang pamilya ni Dimple na ipasok sa rehabilitation center ang kanyang kapatid na hindi kinaya ang sunud-sunod na dagok na sinapit — mula sa pagkakaroon ng video scandal, pagkalulong sa ipinagbabawal na gamot, pagbubuntis, pagsisilang at pagkamatay ng sanggol na anak.

“Sana makayanan niya yung mga nangyari sa kanya,” sagot ni Dimple nang itanong ng Cabinet Files ang dasal niya para sa kanyang kapatid.

Read: Viral judge steals spotlight from looksmaxxing founder Clavicular at court hearing

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
VMX star Dimple Rubia turns emotional as she opens up about her younger sister’s painful experience as a victim of a leaked video scandal allegedly involving an ex-boyfriend.
PHOTO/S: Jojo Gabinete / VMX PH Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results