Ginulat ni Rico Blanco ang mga dumalo sa media conference ng Project Baby na ginanap nitong Sabado, Mayo 16, 2026, dahil sa kanyang itsura at pananamit.
Singkuwentahin na si Rico, pero bumata ang itsura nito dahil sa bagong hairstyle at porma.
"Defying aging" ang datingan ni Rico, na maikukumpara sa isang matinee idol.

Epekto raw ito ng madalas na pagpunta niya sa gym na bahagi ng kanyang mga paghahanda nang tanggapin ang proyekto bilang leading man ni Sue Ramirez sa Project Baby.
Rebelasyon din ang pag-amin ni Rico na mahal na mahal nito ang pag-arte.
"I have so much love for acting. Even back in high school, I was already acting.
"Marami po ang pagkakapareha sa music. I also paint, I also do photography,” ang pagtatapat ni Rico.
Naipamalas din niya noong July 2025 ang talento sa pagsasasayaw kasama ang SB19.
RICO BLANCO AS ACTOR
Why become an actor in his 50s?
"Ang gusto ko po sa acting, meron pong moment na hindi ninyo mauulit with your co-actors, with the people behind the cameras, with the people doing the lights.
“There are moments na magagawa ninyo nang isang beses lang, hindi mo siya mauulit. It’s like painting something that will be there forever.
"I want to be part of that where the thing that you create, the director and everyone, mapapanood siya forever and makaka-affect siya forever,” ang dagdag na pahayag ni Rico.
Nagkuwento siya tungkol sa nerbiyos na naramdaman nang tanggapin ang alok ng Regal Entertainment Inc. na magbida siya sa Project Baby.
“Kinakabahan ako. Mas kabado pa ako dito kesa kapag meron akong major concert or malaking music event kasi po, as you all know, bihira ko pong gawin ito.
"And I feel…minsan hindi ko alam kung totoo bang nangyayari na at this point in my life, ngayon po ako magkakaroon ng lead role in a Regal movie."
Minsan nga raw, tinatapik-tapik niya ang pisngi para malsigurong totoo lahat ito.
"It’s like this morning, ginaganoon ko po yung sarili ko. I can’t believe all of this is happening.
"So when you said yung millions of views yung trailer, it’s still unbelievable to me.
“I’ve done so many things in my career that I am so grateful for. Nalagpas-lagpasan ko na lahat ng dreams ko.
"Ito po, I will be honest, hindi ko ito pinangarap at all tapos nangyayari so I am so filled with so much gratitude po."
Patunay si Rico na ang edad ay hindi hadlang para mag-explore, mag-grow, at mag-discover ng mga puwede pang gawin.
Read more:
Singha beer heir Psi Scott accuses older brother of sexual abuse; Pi Scott denies claims
Kelvin Miranda to file lawsuit vs. driver involved in dad's death