PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Sue Ramirez ready to be a mom: "Kung ibibigay sa akin, why not?”

Sue Ramirez Dominic Roque
by Jojo Gabinete
Published A day ago
Sue Ramirez and boyfriend Dominic Roque
Sue Ramirez and boyfriend Dominic Roque
PHOTO/S: Sue Ramirez on Facebook

Nabanggit ang pangalan ni Dominic Roque sa ginanap na media conference ng Project Baby, na pinagbibidahan ni Sue Ramirez.

Tinanong ang aktres kung gusto na niyang magkaroon ng anak sa kanyang karelasyon na aktor.

"Why not? Sana. Kung maibibigay, di ba? I think Dominic will be a very, very good father in the future, if he does want to have kids,” ang reaksiyon ni Sue na nakausap ng entertainment press ngayong Sabado ng hapon, Mayo 16, 2026, sa Cinema 6 ng Eastwood Mall, Libis, Quezon City.

Kasama ni Sue si Rico Blanco sa pelikula ng Regal Entertainment Inc. na ipapalabas sa mga sinehan sa Hunyo 10.

Read: Singha beer heir Psi Scott accuses older brother of sexual abuse; Pi Scott denies claims

rico blanco sue ramirez project baby
Sue Ramirez and Rico Blanco headline Project Baby.
Photo/s: Instagram
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

SUE RAMIREZ'S BIRTHDAY WISH

Magdiriwang si Sue ng ika-tatlumpong kaarawan sa Hulyo 20.

Ayon sa kanya, handa na siyang magkaroon ng sariling anak.

"Matagal ko na siyang gustong mangyari for me. Kapag tinatanong ako, ano bang gusto ko pang mangyari? Sabi ko, parang nagawa ko na lahat. Ang dami ko nang nagawa.

"Pero gusto kong maging nanay.

"Gusto kong maging nanay na katulad ng nanay ko. Yun ang lagi kong sinasabi."

Aminado raw siya na may konting pressure dulot ng edad.

Sa pagpapatuloy ng aktres: "Yun nga, inevitable yung ticking timebomb ng pagiging isang babae.

"Kailangan na siya ng kilos at galaw soon kung gusto nating may mangyari at may mabuong bata.

"Pero right now, I am still busy working. Pero kung ibibigay sa akin, why not?”

Parang naghahanda na rin Sue dahil "Titang Ina” ang tawag sa kanya ng mga pamangking itinuturing niyang mga anak.

Okay lang ba sa kanya na magkaanak kahit hindi pa kasal?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Oo naman” ang sagot ni Sue.

Ang karakter niya sa pelikula—si Sandy—ay gustong magka-baby sa isang sperm donor with no strings attached.

Okay din ba sa kanya ang idea?

"Dati, naisip ko iyon. Baka kahit walang partner, baka kaya ko? Pero ngayon, mas ano na ako…siguro depende sa partner mo at the moment,” ang sabi ni Sue.

"Makikita mo rin talaga iyon at saka mas mabubukas pa yung isip at puso mo sa possibility na I can still form a beautiful family.

"Pero if not, I think pipiliin mo pa rin yung tao na alam mo na kahit maghiwalay kayo o meron kayong hindi napagkakasunduan, kapag medyo may certainty ka din dun sa person that you want to do it with.”

Read: Wendy Valdez gets emotional as son Seth fears he may not recover

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sue Ramirez and boyfriend Dominic Roque
PHOTO/S: Sue Ramirez on Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results