Bukas, Abril 14, 2026, ang huling araw ng taping ng Encantadia Chronicles: Sang’gre at kukunan ang mga eksena nito sa Botolan, Zambales.
Kaugnay nito, nagkaroon ng briefing ang cast at ang production staff ng programa nitong Lunes, Abril 13, para makatiyak na walang magiging aberya sa pagtatrabaho nila.
Ang New Generation Sang’gres o ang mga pangunahing bida — sina Bianca Umali, Angel Guardia, Faith Da Silva, at Kelvin Miranda — ang mga kasama sa taping ng huling kabanata ng drama-fantasy series ng GMA-7 na unang napanood noong Hunyo 16, 2025.
Nakatakdang magpaalam sa telebisyon ang Sang'gre sa Mayo 8, 2026.
Read: Péter Magyar: Ang bagong "rock star" Prime Minister ng Hungary

THE MASTER CUTTER
Ang action-drama series na The Master Cutter ang ipapalit sa timeslot na mababakante ng Sang’gre.
Ipinakikita na ng Kapuso Network ang teaser ng The Master Cutter na pinangungunahan ni Dingdong Dantes.
Ang The Master Cutter.ay tungkol sa isang dating scout ranger na naging sastre na ginamit ang kanyang kakayahan para tugisin ang isang sindikato.

Mauunang ipalabas ang action-drama series ni Dingdong sa Netflix dahil mapapanood ito sa nabanggit na streaming platform simula sa Mayo 8, ang petsa kung kailan magwawakas ang Sang'gre.
At kung hindi magbabago, sa May 11 na ang simula ng pag-ere nito sa GMA-7.
Si Dominic Zapata ang direktor ng The Master Cutter.
Siya rin ang nagdirek ng Pulang Araw, ang critically-acclaimed drama war series na unang ipinalabas sa Netflix noong Hulyo 26, 2024, bago napanood sa GMA-7 noong Hulyo 29, 2024.
Read: Alfred Vargas, wife Yasmine file complaint vs parents of son's alleged bully