Ang mga malalapit na kaibigan ng aktor at aktres ang nagsabing hiwalay na ang dalawa.
Pero hindi sila aamin dahil sa pelikula nilang malapit nang ipalabas sa mga sinehan.
Bukod sa pinoprotektahan na mga personal na interes, hindi magsasalita ang aktor at ang aktres tungkol sa pagwawakas ng kanilang relasyon dahil hindi pa naman sila umaamin kahit halatang-halata sa mga kilos ang malalim na pagkakamabutihan nila.
Hindi mahahalata sa harap ng mga kamera na hindi na maayos ang kanilang pagsasama dahil pareho silang mahusay sa pagpapanggap.
Pero off-cam, hindi nagpapansinan ang aktor at ang aktres, hindi sila nag-uusap at lalong hindi nila tinitingnan ang isa’t isa.
Read: Péter Magyar: Ang bagong "rock star" Prime Minister ng Hungary
LUMAMIG NA RELASYON
Palaisipan sa mga saksi sa dating pagiging malapit ng aktor at ng aktres ang biglaang panlalamig ng relasyon nila.
May mga haka-hakang maaaring nagsawa at nawalan ng gana ang aktor at ang aktres sa isa’t isa dahil sa kanilang halos araw-araw na pagsasama.
Marami naman ang naniniwalang panahon na para maghiwalay na ang aktor at aktres dahil hindi nakatutulong sa kanilang mga showbiz career ang walang kabuhay-buhay na partnership nila.
Ngayong nagwakas na ang kanilang relasyon, baka sakaling magkaroon ng bagong sigla ang mga acting career nila dahil mabibigyan sila ng pagkakataong ipareha sa ibang mga artista.
Read: Aktor, malaki ang tampo sa TV producer dahil sa di nababayarang talent fee