PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

What to expect from Nora Aunor's 1st memorial anniversary

Ian de Leon: "I don't wanna call it celebration..."
by Jojo Gabinete
Published Apr 13, 2026
Nora Aunor's 1st memorial anniversary
Sa April 16, 2026, magaganap ang 1st memorial anniversary ng pagkamatay ni Nora Aunor.
PHOTO/S: IDL Arts and Paintings on Facebook

Kulay puti ang hinihiling na isuot ng mga nagnanais na dumalo sa 1st Memorial Anniversary ng pagpanaw ng National Artist for Film and Broadcast Arts at ng superstar na si Nora Aunor.

Gugunitain sa Abril 16, 2026, ang unang anibersaryo ng pagpanaw ni Nora, at nakatakdang magtipun-tipon sa himlayan niya sa Libingan ng mga Bayani sa Taguig City, ang lahat ng mga nagmamahal sa kanya.

Maagang pinagplanuhan ang araw ng pagbababang-luksa sa pagkamatay ni Nora kaya Pebrero 13 pa lang, inilabas na ang mga detalye tungkol sa paggunita at pagbibigay-pugay sa legendary actress na napakalaki ng kontribusyon sa industriya ng musika, pelikula, at telebisyon sa Pilipinas.

Read: Dr. Manny Calayan recalls "illicit affair" that ended his marriage

Nora Aunor's 1st memorial anniversary
Photo/s: IDL Arts and Paintings on Facebook
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

NORA AUNOR'S 1st MEMORIAL ANNIVERSARY: WHAT WILL HAPPEN

Isang misa ang magaganap sa puntod ni Nora sa ganap na alas diyes ng umaga sa Abril 16, susundan ito ng tanghalian, at 12 noon, sa Bulwagan ng Libingan ng mga Bayani, at alas-tres ng hapon ang kapihan.

Nakasaad ang text na ito sa imbitasyon: “We lovingly remember our dearest National Artist for Film and Broadcast Arts, Nora C.Villamayor on her 1st Memorial Anniversary.

“Join us as we honor her life and legacy.

"Kindly wear white as we gather in remembrance, gratitude and love.”

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Ian sa Philippine Arts, Film, and Television Awards (PAFTA) na ginanap sa Manila Hotel noong February 21, 2026.

Hindi raw isang selebrasyon ang magaganap.

Aniya: "Actually, I don't wanna call it celebration coz it's my mom's first death anniversary. I would like to call it parang reunion since she was away for almost a year.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Reunion with family, yung mga nagmamahal sa kanya. And, of course, we would like to keep her spirit alive, keep her essence and her presence alive in our hearts, so, we have to do this.

"Yun lang, kaunting salu-salo lang. Definitely it's open to everyone."

Read: Eric Quizon, pinalayas ng amang si Dolphy noong 1993

NORA AUNOR'S DEATH: QUICK BACKTRACK

Miyerkules Santo noong nakaraang taon, Abril 16, 2025, nang bawian ng buhay si Nora sa The Medical City, Pasig City.

Mabilis na kumalat ang balita at kahit kinumpirma ng kanyang anak na si Ian de Leon ang pagkawala ng nag-iisang superstar ng Pilipinas, marami ang hindi kaagad naniwala, lalo na ang matatapat niyang tagahanga.

Dinagsa ng mga nagluluksa na taga-suporta ni Nora mula sa iba’t-ibang panig ng bansa ang burol ng kanyang mga labi sa Heritage Park, Taguig City.

Bago inihatid si Nora sa huling hantungan nito sa Libingan ng mga Bayani, isang necrological service ang idinaos sa Metropolitan Theater Manila noong Abril 22, 2025, at tinutukan ito ng sambayanang Pilipino.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Isang taon na ang nakalilipas buhat nang mamayapa si Nora, pero hanggang ngayon, patuloy na dinadalaw ng mga kababayan natin ang kanyang puntod na isa nang major tourist attraction sa Libingan ng mga Bayani.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sa April 16, 2026, magaganap ang 1st memorial anniversary ng pagkamatay ni Nora Aunor.
PHOTO/S: IDL Arts and Paintings on Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results