PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Red Cerezo on working with Chief of War star Jason Momoa

"Kapag walang take o mga off the scene, kinukumusta niya kami."
by Jojo Gabinete
Published Apr 11, 2026
chief of war, red cerezo, jason momoa
Red Cerezo (leftmost) on working with Chief of War series lead star Jason Momoa (main): "Kapag walang take o mga off the scene, kinukumusta niya kami."
PHOTO/S: Red Cerezo on Facebook (inset); Screen Grab from Chief of War trailer

Ang pagiging mabait at maalalahanin ng Hollywood actor at producer na si Jason Momoa ang hindi malilimutan ng mga Pilipinong nakatrabaho niya sa Chief of War.

Ang historical drama series ay nag-premiere sa Apple TV noong Agosto 1, 2025, at mapapanood pa rin dito hanggang sa kasalukuyan.

Si Jason ang bida at isa sa mga producers ng Chief of War, na nagsimula ang shooting noong 2024 sa iba’t-ibang lugar sa New Zealand.

Kabilang ang New Zealand-based Filipino nurse na si Red Cerezo sa labinlimang Pinoy na may partisipasyon bilang mga villagers.

Red Cerezo (middle) with fellow actors in Chief of War, one of whom is Jordan (L), also a Filipino
Red Cerezo (middle) with fellow actors in Chief of War, one of whom is Jordan (L), also a Filipino.
Photo/s: Red Cerezo on Facebook
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

HOW RED CEREZO WAS CAST IN CHIEF OF WAR

Sa panayam ng Cabinet Files kay Red ngayong araw, April 11, 2026, ikinuwento niya kung paano siya naging bahagi ng proyekto at kung ano ang mga hindi malilimutang karanasan sa pakikipagtrabaho sa isang sikat na Hollywood actor.

Ang bungad niya sa Messenger: "May flatmate ako na connected sa isang agency at tinanong niya ako kung gusto ko ng extra sideline tulad nang ginagawa niya dahil lumalabas siya na aktor at television commercial model dito sa New Zealand. So nakausap ko ang agent ng Intouch Talent Agency.

"At the time, nagkataon na humahanap talaga sila ng mga tao para sa produksiyon ng Apple TV series.

"Mga kayumanggi ang kailangan nila, kahit daw anong lahi, basta brown ang skin.

“Since kailangan ko rin ng extra income, nag-submit ako ng portfolio na ipinagawa nila."

Dahil sa series, nakarating siya sa iba't ibang lugar sa lungsod ng Auckland at mas lumawak daw ang kanyang network.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Bago ako isinalang, nag-uumpisa na sila na mag-shoot para sa Chief of War kaya nabigyan ako ng role noong 2024, kalagitnaan na ng shooting.

“Iba’t iba ang lokasyon sa New Zealand pero kinunan sa Auckland yung mga eksena ko as prisoner and villager.

"Masaya ang experience kasi iba sa nakagisnan ko na trabaho. Nakasalamuha ko ang iba’t ibang lahi na ang ilan ay matagal na sa ganoon na larangan. May kanya-kanya silang kuwento tungkol sa mga karanasan nila dahil most of the time, nasa holding area kami.

"Halos lahat sila mga professional, may mga engineer, architect, nurses. Iyon ang mga full-time job nila.”

JASON MOMOA OFF-cam

Personal na nasaksihan ni Red ang pagiging maalalahanin at mapagkumbaba ni Jason dahil sa madalas na pangungumusta nito sa kundisyon nila.

"May mga eksena kami kay Jason. Dahil prisoners kami, siya ang nagligtas sa amin. Kapag walang take o mga off the scene, kinukumusta niya kami.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"Hindi lang kami nagkaroon ng photo op na kasama siya dahil mahigpit na ipinagbabawal sa set ang mga cellphone.”

Bukod sa nakasama niya sa proyekto si Jason, ang magandang samahan nila ng mga kapwa Pilipino ang isa sa mga hindi malilimutan ni Red sa shooting ng Chief of War.

“Nakaka-proud kasi na nagiging successful ang mga bawat scene dahil sa maayos na pagganap ng mga Pinoy sa mga role na ipinagkatiwala sa amin.

"Unforgettable din ang respeto na ipinakita ng production staff sa tulad namin na hindi naman big stars, pero VIP ang trato sa amin.

“May food catering at may overtime pay kapag lumagpas sa oras na napagkasunduan."

Magkano naman ang talent fee?

Ani Red: "Malaki rin ang sahod dahil sa 8 to 10-hour shoot, umaabot sa $400 nzd to $450 nzd ang bayad na PHP10,000 to PHP15,000 ang conversion sa Philippine currency.”

Read:

The inspiration behind BINI's outfits for Coachella 2026

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Alden Richards, may bagong misyon matapos mapa-graduate ang kanyang college scholars

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Red Cerezo (leftmost) on working with Chief of War series lead star Jason Momoa (main): "Kapag walang take o mga off the scene, kinukumusta niya kami."
PHOTO/S: Red Cerezo on Facebook (inset); Screen Grab from Chief of War trailer
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results