Naghatid ng kalungkutan kay Joseph Marco ang pagpanaw ng tatlo niyang kuting noong Marso 21, 2026 dahil sa parvovirus.
"They’re down to 13 kasi three of my cats just passed, two weeks ago. They died of parvo," nagdadalamhati pa ring sabi ng aktor sa panayam nito sa Cabinet Files.
Paliwanag pa niya: "Hindi pa kasi sila vaccinated. I learned a lot from this experience na talagang dapat ipa-vaccinate sila.
"Nung time na nawala sila, parang sobrang busy namin. Galing kami sa Davao, nagre-report sa akin yung kapatid ko.
Itinuring niyang sariling mga anak ang mga pusang iniligtas at inalagaan niya.
Kuwento pa ni Joseph: "It’s hard. Mga anak ko sila. Parang ang feeling ko, sobrang irresponsible ko na tao when that happened.
"Pero may nakita akong YouTube video na parang ang sinasabi [ng mga pusa], ‘Huwag mong isipin yung nangyari Ang isipin mo yung gaano kami kasaya nung kapiling mo kami. Kung gaano kami kasaya nung na-save mo kami.'
"And yun ang inaalala namin which is the good stuff."
Read: Frankie Pangilinan flexes boyfriend Dan Laurel on Instagram
JOSEPH MARCO ON CAT RECOVERING FROM LEUKEMIA
Sa kabilang banda, ibinalita niya na gumagaling naman ang isang pusa niya na may sakit na leukemia.
"The one na na-rescue ko, the one with leukemia, she’s doing pretty good.
"I’m so proud of her kasi ang lakas ng appetite niya, nag-grow na ulit yung hair niya. Parang wala nang symptoms. I just hope magtuloy-tuloy na,” ang umaasang pahayag ni Joseph.
Nag-umpisa lamang noong pandemya ang pagkahilig niya sa pusa.
"I used to hate cats especially dito sa Philippines. Parang hindi naman masyadong cat lover ang Philippines, so ang tingin natin sa kanila, peste, nagnanakaw ng pagkain.
"But if you think about it, gutom lang naman sila," katuwiran ng aktor.
Inilarawan pa ni Joseph kung bakit gustung-gusto niya ang mga pusa.
"The first time I saved a cat kasi wala na akong choice, nalulunod na yung pusa. Parang bumabagyo, I took her, ako ang nagpadede sa kanya, pinapainom ko ng milk.
"I learned to get to know them. I really think they’re amazing animals. Very spiritual sila, very independent. Hindi sila clingy, and you really have to earn their trust."
Read: Janella Salvador shows Palawan getaway with son and Klea Pineda
JOSEPH KNOWS HIS CATS BY HEART
Memoryado ni Joseph ang pangalan ng labintatlong (13) pusa na kanyang inaalagaan at ipinagawa ng malaking kulungan.
"Chaplin, Passion, Cotton at Ashira” ang ilan sa pangalan ng mga pusa na inaalagaan ni Joseph.
At bilang patunay na kilalang-kilala niya ang lahat ng kanyang mga alaga, inisa-isa ni Joseph sa Cabinet Files ang pangalan ng mga pusa.
“I named them all," sabi niya.
May nakalaan na budget spara sa mga pagkain at vitamins ng mga pusa niya.
"Magastos," pag-amin niya. "Parang I spend PHP4,000 to PHP5,000 a week for their vitamins and cat food.
"Nagpagawa ako ng huge cage for them. Nandoon sila, may mga laruan sila doon."
Read: Eric Quizon, pinalayas ng amang si Dolphy noong 1993
ON CARING FOR CATS
Sa huli, sinabi pa ni Joseph na isa sa ginagawa niya ngayon ay gumawa ng online video content tungkol sa pagrespeto at pagpapahalaga sa mga pusa.
Lahad niya: "I make an effort to spread awareness because a couple of days ago, merong kumalat na video ng mga bata na inilagay nila sa sako yung cat.
"Pinagsusuntok nila, sinipa nila. It really broke my heart.
"I’m sure hindi naman masasama yung mga batang yun.
"It’s just siguro wala lang awareness and I just hope na marami pa ang ma-touch sa mga content na inilalabas ko.”
Nakausap ng Cabinet Files si Joseph sa special screening ng My Husband is a Mafia Boss, ang Viva One series na pinagbibidahan nila ni Rhen Escaño.
Mapapanood ito sa nabanggit na streaming platform simula ngayong Sabado, Abril 11,2026.