Nagkaroon ng isyu noong Pebrero 2025 na diumano, maghahain ng demanda laban kay Anjo Yllana ang mga host ng Eat Bulaga! dahil sa kanyang mga kontrobersyal na rebelasyon sa social media.
Ito ang isa sa mga itinanong sa anak niya na si Jaime Yllana,
Nakausap ng media si Jaime noong Huwebes, Abril 9,2026, matapos ang special screening ng Viva One original series na My Husband is a Mafia Boss sa Robinson’s Galleria Cinema 3.
"No, hindi naman. I’m sure all parties don’t want it to get to that point," ang reaksyon ni Jaime.
Hindi niya itinanggi na nasaktan siya sa mga nangyari dahil matagal na panahong naging bahagi ng Eat Bulaga! ang kanyang ama.
"It hurts me. Siyempre, it’s sad to see that they’re not in the best terms. But I hope one day, they will be able to [set it aside] because, of course, they’ve been together for 30 years.
"They’re basically family to one another, so I hope they will be able to fix that.
"But personally, me, I’m not affected at all.”
Sa tanong kung napag-uusapan nila ni Anjo ang isyu, sabi ni Jaime, "It gets brought up sometimes, but now it’s dwindled down.
"Tahimik na, wala nang masyadong nang-aaway. So I hope in the future, instead na tahimik lang, mabuti na."
Read: Eric Quizon, pinalayas ng amang si Dolphy noong 1993
JAIME YLLANA OPEN TO GUEST IN EAT BULAGA!
Sinabi ni Jaime na maganda ang relasyon niya sa Eat Bulaga! hosts na itinuturing niyang mga tito at tita dahil madalas na isinasama siya noon ni Anjo sa studio.
At kung sakaling imbitahan si Jaime sa naturang programa para i-promote ang My Husband is a Mafia Boss, tiniyak niya na darating siya.
"Kung iimbitahan nila ako, sure why not? Pero wala naman akong isyu sa mga nasa Eat Bulaga!
"To [me], they’re my titos and titas. Kapag nakita ko sila in public, siyempre happy faces, kumustahan.
"Nung bata ako, lagi akong nasa Eat Bulaga! sa likod [backstage], so yung mga sinasabi ng mga tao na may problema kami, wala. I’m very good with all of them.
"Actually nga, nu’ng nasa Eat Bulaga ako, si Tita Pauleen yung nag-aalaga sa akin. I was four, five, six, seven years old.
"So to me, those are my titos and titas growing up. I really love them and I have no bad things to say about them."
Read: Janella Salvador shows Palawan getaway with son and Klea Pineda
ON HIS NEWEST PROJECT
Nagpapasalamat si Jaime sa kanyang home studio, ang Viva Entertainment, dahil sa karakter na ginampanan niya sa My Husband is a Mafia Boss.
"I am so happy nagustuhan ng audience. Importante rin na makita namin yung feedback ng audience and yung tawang-tawa sila.
"I am so happy. I am so grateful to Viva for giving me this opportunity.”
Ano ang pakiramdam mo habang pinapanood mo ang sarili sa big screen?
"Kinakabahan ako. Pero nung nakita ko na, tapos nagsasalita na ako, sabi ko ‘Uy, buti na lang, hindi siya cringe.’
"Kayang panoorin ng mga tao. Natatawa sila and imbes na natakot ako, I felt proud of myself,” lahad ni Jaime.
Masaya siya dahil sinuportahan ng kanyang ina na si Jacqui Manzano ang special screening ng My Husband is a Mafia Boss.
"Yung dad ko, hindi pa niya napapanood. Pero siyempre, yung mom ko nandito. And I haven’t gotten [the chance] to talk to her.
"But naririnig ko naman yung tawa niya so siyempre sasabihin niya, 'I’m very proud of you.'
"Actually kasi, ako saka yung mom ko, magkamukha, so for sure sasabihin niya na proud siya na nakikita niya yung sarili niya.”