Sa kauna-unahang pagkakataon, nagkuwento si Eric Quizon tungkol sa panahong nagalit sa kanya ng ama niyang Comedy King na si Dolphy.
Si Dolphy, na ipinanganak noong Hulyo 25, 1928, ay pumanaw noong Hulyo 10, 2012 sa edad na 83.
Isinalaysay ni Eric ang pinagmulan ng galit ng ama sa guesting niya ngayong Biyernes, Abril 10, 2026, sa Fast Talk With Boy Abunda.
Nangyari iyon matapos sumailalim si Dolphy sa triple bypass surgery sa puso noong 1993.
“Ang nangyari kasi talaga diyan, when my dad was 65 years old, he had a triple bypass.
"So what I did, I gathered my family. Sabi ko, suggestion ng mga kaklase kong lawyers, ito ang gawin natin. Put everything in a corporation.
"Dun nag-umpisa," lahad ni Eric.
Gusto lang ni Eric na maging maayos ang ari-arian ng ama dahil marami silang magkakapatid.
Hindi raw nagustuhan ni Dolphy na pinangunahan niya ito.
"However, during that time, walang nakakaalam nito, kasi he was in the ICU for awhile after his bypass.
"Pagkatapos nun, nabalitaan niya na ginawa ko yun, na I gathered my siblings. Nabalitaan niya yun.
"Pinagalitan ako. Sabi niya sa akin, ‘Buhay pa ako, pinapatay mo na ako!’
"Sinabi niya yun sa akin, kaya ako talaga, I was stunned."
"Biglang tumaas ang BP niya. Sabi niya, ‘Lumayas ka! Ayokong makita ang pagmumukha mo!'"
Matagal na hindi nag-usap ang mag-ama.
Read: Eric Quizon reveals how adopted sister waived her 50% inheritance
ERIC QUIZON AND DOLPHY RECONCILIATION
Ayon kay Eric, isang taon ang lumipas bago sila muling nagkaroon ng komunikasyon.
"Ako naman, umalis ako. But after one year, ipinatawag naman niya ako.
"And then after that, he said, 'O gawin na natin kung ano yung gusto mong gawin.'"
Napagtanto raw ng ama na maganda ang intensyon ni Eric sa suhestiyon nito noon.
"Sabi ko, 'No dad, hindi ako, e. Dapat ikaw. Ano ang gusto mong gawin?
"If you wanna do the corporation, yes, but if you want to give some property or whatever to somebody, ibigay mo na.’
"Yun ang sinabi ko sa kanya."
Pero sa huli ay ipinagkatiwala raw ni Dolphy kay Eric ang pag-aayos ng assets at business affairs ng Comedy King.
"And then, from that time on, wala na. I was handling his affairs na, including, at the time, dealing with ABS-CBN, TV5."
Read: Eric Quizon, gustong gawan ng materyal ang last 5 weeks ni Dolphy
ERIC QUIZON STILL LEADS FAMILY'S BUSINESS AFFAIRS
Hanggang ngayon ay nananatiling estate executor si Eric ng kanyang pumanaw na ama.
Hindi iyon madali dahil labing-walo (18) silang magkakapatid.
"It’s not easy," ang sabi ni Eric.
"Because different heads, different mindsets. Iba lahat yung pag-iisip."
Pero nanaig daw ang bilin sa kanila ng kanilang ama.
"I think ang common denominator naming magkakapatid is yung respeto na iniwan sa amin ng daddy ko.
"Na sabi ng daddy ko, ‘Walang mag-aaway. Ayokong mag-aaway-away kayo.’
"So I think, tumatak yung sinabi ng daddy ko na yunn sa aming lahat.”