PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Mark Herras, sinita si Alvin Aragon sa anti-LGBTQIA comments nito

Mark Herras, malapit sa LGBTQIA+ community dahil pinalaki ng gay parents.
by Jojo Gabinete
Published Apr 9, 2026
mark herras alvin aragon
Mark Herras to Alvin Aragon: “I was raised by gay parents, alam mo yan. Yan ang isa pang topic na hindi ka na dapat nagsasabi pa ng kung anu-ano... Kung ano man ang experience mo sa mga LGBTQ, maganda man o hindi, e, ikaw yun, 'Tol. Hinayaan mo yon, di ba? Hindi puwede yung wala kang nagawa."
PHOTO/S: Instagram

Kinumpirma ni Mark Herras sa Cabinet Files ang balitang nagpadala siya ng mensahe kay Alvin Aragon noong kainitan ng isyu ng maaanghang na pahayag ng huli laban sa mga miyembro ng LGBTQIA+ community.

Pero hindi umano sumagot ang batchmate ni Mark sa Season 1 ng StarStruck, ang reality-based artista search ng GMA-7 noong 2003.

Si Mark ang nanalong Ultimate Male Survivor sa Season 1 ng StarStruck, , samantalang si Alvin ang unang natanggal sa male contestants.

Read: Alvin Aragon criticizes celebrity parents of LGBTQIA+ children

MARK HERRAS DEFENDS MEMBERS OF THE LGBTQIA COMMUNITY

Pinalaki at inalagaan si Mark ng gay couple—ang kanyang tiyo at ang karelasyon nito na kapwa sumakabilang-buhay na—kaya masakit para sa kanya ang panghuhusgang ginagawa ni Alvin sa mga miyembro ng LGBTQIA+ community.

Mahal na mahal ng aktor ang mga nakagisnang magulang na nag-aruga sa kanya.

Read: Mark Herras, inalala ang pag-aaruga sa kanya ng gay parents

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Saad ni Mark tungkol kay Alvin: “Napipika na ako sa kanya sa mga palaging nakikita ko sa social media. E, gay ang uncle ko.

“Pati yung anak ni Izzy na trans, na siya, hindi proud. Yung totoong tatay nga, proud, e.

“Nag-message ako sa kanya sa TikTok pero hindi naman siya nag-seen.”

Ang tinutukoy ni Mark na trans ay si Sofia Trazona, panganay na anak ng dating SexBomb member Izzy Trazona na hindi matanggap ni Alvin.

Read: Alvin Aragon, inamin ang sexual experiences niya noon sa gays

May pagmamalasakit kay Alvin ang mensaheng ipinadala ni Mark.

Pinayuhan daw niya itong itigil na ang pagsasalita laban sa LGBTQIA+ community dahil hindi na tama ang kanyang mga sinasabi.

Pinagsabihan din daw ni Mark si Alvin sa paggamit nito sa mga salita ng Diyos dahil lahat ng mga tao ay may mga pagsubok at problemang pinagdaraanan.

Bahagi raw ng mensahe niya para sa StarStruck batchmate: “I was raised by gay parents, alam mo yan. Yan ang isa pang topic na hindi ka na dapat nagsasabi pa ng kung anu-ano.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Lahat tayo tanggap sa Itaas kahit ano pa ang religion mo.

"Kung ano man ang experience mo sa mga LGBTQ, maganda man o hindi, e, ikaw yun, 'Tol.

"Hinayaan mo yon, di ba? Hindi puwede yung wala kang nagawa."

Pero hindi raw siya sinagot ni Alvin.

Read: StarStruck alum Alvin Aragon draws backlash over anti-gay remark

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Mark Herras to Alvin Aragon: “I was raised by gay parents, alam mo yan. Yan ang isa pang topic na hindi ka na dapat nagsasabi pa ng kung anu-ano... Kung ano man ang experience mo sa mga LGBTQ, maganda man o hindi, e, ikaw yun, 'Tol. Hinayaan mo yon, di ba? Hindi puwede yung wala kang nagawa."
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results