Nataranta ang isang babaeng tampok sa kontrobersiyal na sex video scandal nang hindi sinasadyang magkita sila ng aktor na kabilang sa mga biniktima niya.
Nangyari ang pagtatagpo ng dalawa sa isang bar sa Timog Avenue, Quezon City, na sobrang ikinagulat ng babae dahil sa malaking atraso nito sa aktor.
Namukhaan agad ng aktor ang babaeng palihim na kinunan ng video ang kanilang pagtatalik na kumalat sa social media.
Pero hindi gumawa ng eksena ang aktor at wala ring kumprontasyong nangyari dahil pinatawad na raw niya ang lumabag sa kanyang karapatang pantao.
Bagamat malaking kasalanan ang ginawa ng babae sa kanya, pinili ng aktor na huwag nang maghiganti.
Read: Tatlong biktima sa leaked video scandal, pare-pareho ang kuwento
THE VICTIMS
Nang makausap ng Cabinet Files ang aktor ngayong Miyerkules, Abril 8, 2026, inamin niyang kabilang siya sa male celebrities na biktima ng sex video scandal, dalawang taon na ang nakararaan.
Nalaman ng aktor na pinagkakitaan ng babae ang video ng kanilang pribadong sandali na ibinenta sa mataas na presyon.
Kinumpirma ng aktor sa Cabinet Files na ginamit din ng babae sa video nila ang “infamous pajamas” na nabibili sa online shopping platform na Shopee at Temu.
Nabiktima rin ng babae ang male social media personality na nagpaplanong maghain ng demanda,
Nakipag-usap ang social media personality sa aktor para tumestigo, pero tumanggi ang aktor dahil lalo lamang daw lalaki ang isyu na tiyak na magbibigay ng problema sa kanyang pamilya.
Related Stories:
- Gil Cuerva breaks silence amid leaked video scandal
- Nikko Natividad admits video scandal: "Nademonyo ako, natukso."
- Arron Villaflor finally addresses alleged video scandal
- Nico Locco on leaked video scandal: "Yes. It’s me."
- Andre Cue, umamin sa kinasasangkutang video scandal
- Ron Angeles spills details about viral video scandal