Nakipag-ugnayan ang Cabinet Files kay Lucena City Mayor Mark Alcala noong Martes, Abril 7, 2026, para sa kanyang panig tungkol sa relasyon nila ng aktres na si Kathryn Bernardo.
Ipinadala ng Cabinet Files ang mensahe sa cellphone at Viber number ni Mark, pero hindi ito sumagot.
Mauunawaan ang kanyang desisyong manahimik at huwag magsalita dahil ito lamang ang puwede niyang gawin para maprotektahan at hindi na madagdagan ang mga pang-iintriga sa pagmamahalan nila ni Kathryn.
MARK AND KATHRYN IN THAILAND
Magkasamang nagbakasyon sa Thailand ang dalawa noong Semana Santa.
Dahil mga popular na personalidad, hindi nila nailihim sa publiko ang kanilang pagpunta sa ibang bansa.
Kumalat sa social media noong Mahal na Araw ang pinagpasa-pasahang larawan nina Mark at Kathryn na palihim na kinunan habang namamasyal sila sa isang mall sa Bangkok.

Maliban sa stolen shots, walang ibang detalyeng lumabas tungkol sa Thailand trip nina Kathryn at Mark.
Hindi sila nagsalita, maging ang kanilang mga kasama sa biyahe.
Wala ring impormasyon kung kailan bumalik sa Pilipinas ang dalawa.
Read: Kathryn Bernardo at Mark Alcala, nag-"soft launch" sa Thailand?
MARK ALCALA AS LUCENA CITY MAYOR
Sa gitna ng mga alegasyong panay umano ang bakasyon ni Mark kasama ni Kathryn at hindi na nito natututukan ang tungkulin nito bilang mayor, ibinahagi ng Public Information Office ng Lucena City ang mga aktibidades nito mula noong Lunes, Abril 7.
Si Mark ang panauhing pandangal sa pagdiriwang ng 29th founding anniversary ng Inter-Global College noong Lunes.
Kinabukasan, Abril 7, nagkaroon ng courtesy call sa kanya ang mga opisyal ng Lucena Banker’s Association.
Ang mga larawan ni Alcala na kuha mula sa mga nabanggit na petsa at pagtitipon ang mga ebidensiyang nakabalik na siya sa Pilipinas matapos ang Thailand trip nila ni Kathryn.
Ang maaliwalas, mapayapa at guwapong hitsura ngayon ni Alcala ang mapapansin sa mga litratong ibinahagi ng Public Information Office ng Lucena City — indikasyong maligaya at kuntento siya sa relasyon nila ni Kathryn.

Read: Yasmien Kurdi, itinuloy ang reklamo sa dating eskuwelahan ng anak