Ang malaking pagpapahalaga sa pribadong buhay ang ibinigay na dahilan ng American actress na si Kate Jackson, 77, sa kanyang desisyong talikuran ang entertainment industry, dalawang dekada na ang nakalilipas.
Nag-umpisa ang acting career ni Kate noong 1969.
Sumikat siya nang husto nang magbida sila nina Jaclyn Smith, 80, at Farrah Fawcett (February 2, 1947-June 25, 2009) sa crime-drama series na Charlie’s Angels.
Naging popular din sa mga Pilipino ang Charlie's Angels nang ipalabas ito sa GMA-7 noong dekada ’70.
Read: Sarah Lahbati, itinampok sa Netflix series The Parisian Agency

CHARLIE'S ANGELS REUNION ON ITS 50TH ANNIVERSARY
Napanood sa Amerika ang unang kabanata ng Charlie’s Angels noong Setyembre 22, 1976.
Para sa ika-limampung anibersaryo ng kanilang programa, muling nagsama-sama sina Kate, Jaclyn, at Cheryl Ladd, 74.
Si Cheryl ang ipinalit kay Farrah nang iwanan nito ang popular TV show nila.

Naganap ang reunion nina Kate, Jaclyn, at Cheryl sa PaleyFest noong Abril 6, 2026 sa Dolby Theatre, Los Angeles, California.
Ang PaleyFest ang TV festival sa U.S. na dinadaluhan ng mga sikat na artista dahil sa mga exclusive screening at cast conversations.
KATE JACKSON'S DECISION TO STOP ACTING
Sa red-carpet interview kay Kate, sinabi nitong ang kanyang nawalang privacy ang rason ng paghinto niya sa pag-arte.

Saad niya: “We lost our privacy, totally. We just absolutely totally lost every bit of privacy. And then, to make it worse, those horrible tabloids.
“I don’t understand social media. I mean, I don’t get it. All I want is a little privacy.
"And I don’t understand why people are so fond of taking their picture and telling the world where they are at this very moment, doing this thing, I don’t get it.”
Hindi itinanggi ni Kate ang nararamdamang kaba sa muling pagkikita nila nina Jaclyn at Cheryl.
Naging malupit ang ilang netizens kay Kate dahil sa mga hindi disenteng komento at reaksiyon tungkol sa pisikal na kaanyuan ngayon ng aktres.
Kung mababasa ni Kate ang ibang reaksiyon tungkol sa pagdalo nito sa PaleyFest, hindi nakapagtatakang lalong hindi niya maunawaan ang social media dahil sa mga masasakit na komento mula sa netizens.
Mistulang tinakasan ng good manners and right conduct ang bashers, at tila nakalimutang tumatanda ang lahat ng mga tao, kabilang sila.
Read: DISMISSED: Liza Diño cyber-libel complaint against PEP