PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Aktor malaki ang tampo sa TV producer dahil sa di nababayarang TF

Aktor, nawawalan na ng gana sa TV show.
by Jojo Gabinete
Published Apr 7, 2026
blind item actor tv producer
ILLUSTRATION: Chat GPT

May kinalaman sa pananalapi ang pagtatampo ng aktor sa producer ng kanyang programa.

May sapat na dahilan ang sama ng loob na nararamdaman niya.

Una, usap-usapang malaki na ang utang ng producer sa aktor na matagal nang hindi nababayaran ang talent fee. Kaya mauunawaan kung nawawalan na ng ganang magtrabaho ang aktor.

Pangalawa, humihingi umano ng salary increase ang aktor—na may karapatan naman dahil malaki ang kanyang kontribusyon sa kinabibilangan niyang programa.

Read: Lara Quigaman on abusive ex-boyfriend: "I'm living in sin."

AKTOR, MAY POSIBILIDAD NA DI NA PUMIRMA NG KONTRATA

Nananatiling tahimik ang aktor.

Pero ang mga tao sa paligid niya na nagmamalasakit ang nagsasalita tungkol sa hindi maayos na trato at pakikitungo sa kanya ng producer.

May mga haka-hakang ang patung-patong na problema ng producer ang rason kaya nababalewala nila ang aktor, na unti-unti nang ipinararamdam ang kinikimkim na tampo.

Malaki ang posibilidad na maantala o tuluyan nang hindi pumirma ng kontrata ang aktor para sa programa nito kapag hindi agad nabigyan ng solusyon ng mga kinauukulan ang kanyang mga hinaing.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: DISMISSED: Liza Diño cyber-libel complaint against PEP, Tirso Cruz III, Joey Reyes, Atty. Joji Alonso

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
ILLUSTRATION: Chat GPT
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results