PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Kakaibang bihis ng ilang imahe sa prusisyon, pinag-usapan

Pagbibihis ng mga imahe tuwing Semana Santa, naging pasiklaban na?
by Jojo Gabinete
Published Apr 5, 2026
statues bulacan holy week 2026
A statue of “The Enrobing of Jesus in Purple” with Joseon-era Korean guards (left) and a life-size statue of Santa Maria Cleofas drew attention during Holy Week processions in two separate towns in Bulacan.
PHOTO/S: Facebook / X (Twitter)

Binabatikos ang mga may-ari ng karosang "Enrobing Jesus in Purple" sa Baliwag, Bulacan, dahil binihisan nito bilang Korean Jeoson guards ang mga imahe na nagbabantay kay Hesus Kristo sa prusisyong idinaos sa naturang bayan nitong Semana Santa.

baliwag bulacan carosa
An “Enrobing of Jesus in Purple” carroza in Baliwag, Bulacan went viral this Holy Week for dressing its guards in Joseon-era Korean attire.
Photo/s: FACEBOOK
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Negatibo ang reaksiyon ng maraming netizens na naniniwalang hindi dapat pinaglalaruan ang mga bagay na sagrado.

Hindi rin nila matanggap na ginawang fashionista ng nagmamay-ari ang mga santo, kagaya ng imahe ni Santa Maria Cleofas sa Bustos, Bulacan.

santa maria cleofas
An image of Santa Maria Cleofas during the Holy Week procession in Bustos, Bulacan.
Photo/s: X (Twitter)
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ngunit para sa isa sa mga may-ari ng karosang "Enrobing Jesus in Purple" na si Ewoks Simbulan, wala silang nakikitang masama sa pagbibihis sa mga sundalo bilang Joseon-era Korean guards.

“Wala akong binastos na banal na imahe,” diin niya.

Dagdag pa niya: “Mga sundalo lamang ang ginawan ko ng tema, hindi ang Mahal na Poong Jesucristo. Ang mga sundalong ito ay hindi naman mga banal at santo.”

Sa pamamagitan ng social media, sinagot din ni Simbulan ang mga netizen na bumabatikos sa kanilang karosa.

Pasaring niya sa isang Facebook post: "Napakaganda ng Prusisyon dito sa Baliwag, Pero amoy pusit"

Post naman niya kahapon: "Di na ako tinatablan sa inyo, pinatatag na to ng panahon! Kamsahamnida"

Sabi naman niya sa isa pang post: "Balikan nyo ko kapag nakapag Swarovski na kayo ng Palawit at kung maganda na din ang ilalabas nyo na karo! ye jeonha! Bawat bash ay airtime"

Read: Yasser Marta posts photos of portrayal of Jesus in a Senakulo

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

HOLY WEEK PROCESSIONS IN BALIWAG, BULACAN

Kaugnay ng isyung ito, hiningi ng Cabinet Files ang panig ng Daily Tribune entertainment writer at former TV reporter na si Jeff Fernando.

Nag-umpisa si Jeff noong 2013 bilang camarero, ang tawag sa mga tagapangalaga o caretaker ng mga sagradong imahe na pinuprusisyon tuwing Semana Santa.

Ayon kay Jeff, taun-taon, dinarayo tuwing Mahal na Araw ang bayan ng Baliwag dahil ito ang may pinakamahabang prusisyon sa buong Pilipinas.

“Ang Baliwag ang longest procession sa buong Pilipinas. Every Holy Week, close to two hundred na yata ang karosa, pero taun-taon nadadagdagan yan.

“Isa nang tourist attraction ang prusisyon sa Baliwag dahil dinarayo ito for the longest time. Kumbaga, nag-peak na kaya paano isu-sustain?" saad niya.

Hindi na raw bago sa Baliwag ang pagbibihis ng mga imahe na may iba't ibang tema.

statues in baliwag bulacan
Photo/s: Courtesy of Jeff Fernando
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Paliwanag niya: “May taon na nakasuot ng Filipiniana ang mga imahe. Minsan all white na okay lang.

"Pero minsan Elizabethan era ang mga damit, yung parang costume ni Marie Antoinette. Ganoon sila, may mga temang sinusunod.

“Taun-taon, napapansin yan. Nakakalimutan lang siguro ng mga tao, pero ito naman ang napansin dahil Korean-inspired ang mga damit.

“Kahit Filipiniana-inspired ang damit ng mga Poon, may violent reaction. Kasi yung mga religious na tao, sinasabi nilang hindi naman nagsuot ng Barong Tagalog si Jesus. Hindi naman nagsuot ng baro’t saya si Magdalena.

“Yung mga gown na isinusuot sa mga santa, depende sa lugar, depende sa kultura nila. Kung nakikita nila na yon ang maganda, yun ang maganda para sa kanila.

“Yung iba, bumibili pa ng gown sa Divisoria, yung parang mga Cinderella outfit. Yun ang ipinapasuot nila sa mga Poon dahil yun ang maganda sa paningin nila.

"Yung iba nga, nilalagyan pa ng totoong makeup ang mga Poon.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: DISMISSED: Liza Diño cyber-libel complaint against PEP, Tirso Cruz III, Joey Reyes, Atty. Joji Alonso

JEFF FERNANDO'S LIFE-SIZE STATUES of saints

Ang Sta. Maria Salome ang unang imahe ng santo na ipinaukit ni Jeff noong 2013, at dito na rin nagsimula ang kanyang pagiging camarero.

jeff fernando sta, maria salome
Jeff Fernando's first statue, Sta. Maria Salome, which he acquired in 2013.
Photo/s: Jeff Fernando
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Lahad niya, “Ang unang Poon na ipinagawa ko, yung Sta. Maria Salome.

"Kasi bata pa ako, ang Holy Week ang pinakapaborito kong event dahil sa life-size images tuwing may prusisyon. Saka naka-emote ang mga hitsura nila."

Pagpapakilala pa ni Jeff: “Si Sta. Maria Salome ang may hawak ng incense. Kasama siya ni Sta. Maria Magdalena at Sta. Maria Jacobe. Sila yung mga unang nakakita kay Jesus nang mabuhay Ito. Nilinis nila yung tomb ni Jesus.

“Si Sta. Maria Salome, siya ang nanay ni St. John The Evangelist na best friend ni Jesus Christ."

Pagpapatuloy niya: “Noong bata pa ako, amazed na amazed ako kay Sta. Maria Salome tuwing may prusisyon dahil umuusok talaga ang incense na hawak niya.

“May panahon na hindi siya kasama sa mga ipinuprusisyon kaya nalulungkot ako.

“Noong nag-retire ako sa TV5 noong 2013, may pera ako. Yung last chunk ng retirement money ko, nagpagawa ako sa Tayuman ng imahe ni Sta. Maria Salome.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Nagpaukit ako ng santo, PHP25,000, lahat-lahat na, kasama pati ang damit.”

Read: LTFRB, natukoy na ang taxi driver na nireklamo ni Soobin

HOW MUCH DOES A CAMARERO SPEND DURING HOLY WEEK?

Pinatotohanan ng dating TV5 reporter na hindi biro ang maging camarero dahil malaki ang gastos.

jeff fernando images
Jeff Fernando poses with the statues of saints he owns.
Photo/s: Jeff Fernando
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Saad ni Jeff: “Sabi nga ng ibang mga camarero, kung gusto mong mag-alaga ng magandang poon at wala kang pera, huwag mo nang ituloy dahil parang may kasama kang isang tao sa pamilya ninyo.

“Binibihisan mo nang maganda every time na aalis siya. May wig, may karosa, may sariling set ng mga alahas at may pabango sila.

“May pabango na para lang sa kanila. May nagbebenta na para lang sa mga santo, amoy sampaguita, jasmine, at rose.

“Parang tao yan, may mga tatak ang pabango. May mamahalin at may mumurahin.

“Ang damit nila, para sa mga tao rin. May mamahalin, depende kung sino ang designer.

“Ang pinakamahal na damit na ipinagawa ko para sa imahe ng La Naval de Manila, birhen ng Sto. Rosario, PHP50,000. Isang set na yon.

“Para sa iba, mura na yon kasi umaabot na sa PHP1million ang damit na La Naval dahil gold thread ang gamit.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa kasalukuyan, may apat na karosa si Jeff na ginagamit niya tuwing may prusisyon.

Mahal ang magpagawa ng karosa kaya kahit walang sariling sasakyan, ipinagmamalaki ni Jeff na apat ang karosang kanyang naipundar para sa mga imahe ng santo niya.

Aniya: “Apat ang karosa ko, iba-iba ng size. Ginamit ko yung isa sa Easter Sunday procession sa Our Lady of Lourdes sa Retiro, Quezon City.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Gumagastos ang camarero ng PHP20,000 hanggang PHP25,000 sa prusisyon.

“Ang imahe ni Resurrection of Christ ang huling ipinrusisyon ko. Eleven P.M. kami nagsimula noong Sabado, April 4, pero Friday night pa lang, nasa venue na kami para gayakan ang karosa at ilagay ang poon.

“Siyempre may generator na magsu-supply ng power sa karosa so kailangan ng gasolina.

“Labing-isa ang mga tauhan ko, may senior at junior. Ang mga senior ang naggagayak sa karosa, yung mga junior ang humihila sa karosa. Libre ang mga pagkain at pamasahe nila.

“Binibilhan ko rin sila ng mga T-shirt para pare-pareho ang mga suot nila.

“Sandali lang ang actual procession. Tapos na kami ng 12:30 A.M.

"Ang matagal na proseso, yung pagliligpit kaya alas-kuwatro ng madaling-araw nang makauwi kami.

“Yun ang tinatawag na devotion.K ung hindi ka naniniwala, parang nagpapagod ka lang.

"Pero hindi, ang sarap sa pakiramdam at saka bahagi na siya ng buhay mo.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pinatotohanan din ni Jeff na may magandang kapalit ang pag-aalaga ng mga santo.

“May balik ang pagiging camarero. Magaaan sa pakiramdam. Hindi mo ma-explain ang kasiyahang nararamdaman. Masaya ka,” ani Jeff.

May sagot din si Jeff sa mga nagsasabing hindi dapat sinasamba ang mga poon o imahe ng mga santo.

“Ganito kasimple ang paliwanag diyan para sa normal na tao. Madalas may picture tayo ng nanay natin sa wallet. Kinakausap pa natin kapag nalulungkot tayo.

"It’s the same. Same process sa mga imahe ng poon,” katwiran ni Jeff.

Read: Kathryn Bernardo at Mark Alcala, nag-"soft launch" sa Thailand?

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
A statue of “The Enrobing of Jesus in Purple” with Joseon-era Korean guards (left) and a life-size statue of Santa Maria Cleofas drew attention during Holy Week processions in two separate towns in Bulacan.
PHOTO/S: Facebook / X (Twitter)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results