“Nag-penitensya” ngayong Biyernes Santo, Abril 3, 2026, ang pakiramdam ng mga tagahanga ni Kathryn Bernardo na hindi boto sa rumored boyfriend nitong si Lucena City Mayor Mark Alcala.
Ito ay dahil sa paglabas sa iba’t ibang social media platform ng holding-hand photos ng dalawa.
Kuha ang stolen shot photos nina Kathryn at Mark habang nasa escalator sila ng EmSphere Mall sa Bangkok, Thailand.

Dati nang palihim na kinukunan ng litrato sina Mark at Kathryn sa tuwing pumupunta sila sa isang mall sa Makati City, pero ibang antas ng sama ng loob ang naramdaman ng mga anti-Mark dahil magkahawak-kamay ang dalawa sa Bangkok mall.
Malinaw itong indikasyon ng tunay na estado ng kanilang relasyon.
Read: Kathryn Bernardo at Mark Alcala, spotted sa Thailand airport
SOFT LAUNCH IN THAILAND?
Hindi na kailangan ng direktang pag-amin mula kina Kathryn at Mark dahil pinatunayan nilang totoo ang kasabihang "A picture paints a thousand words."
Bukod sa kanilang mga larawang kuha sa EmSphere Mall, pinaghihinalaang braso ni Mark ang makikita sa video post ni Kathryn sa Instagram account nito.
Ang bracelet ng alkalde ng Lucena City ang ginamit na basehan ng mapanuring netizens.

Kabilang sa Instagram posts ni Kathryn ang video nila ng kanyang mga kaibigang kasama niya sa Thailand.
Wala si Mark sa eksena, maliban sa isang video na naka-angkla ang aktres sa maputing braso ng lalake na may suot na bracelet pero hindi ipinakita ang mukha.
View this post on Instagram
Nag-aalburoto ang fans ni Kathryn na hindi pabor kay Mark dahil hindi nila matanggap na nangyari ngayong Biyernes Santos ang kanilang tinawag na “soft launch” ng kumpirmadong relasyon ng dalawa.
Kahit pinilit nina Kathryn at Mark na maging discreet, kumalat pa rin sa social media ang mga ebidensiya ng kanilang low-profile love affair dahil sa dami ng mga Pilipino sa Bangkok.