Kontrobersiyal na isyu ngayon ang mga nanay na dumalo sa graduation day ng kanilang mga anak dahil sa mga kasuotan nila na para sa iba ay hindi tugma at akma sa okasyon.
Pinagpistahan at nag-viral ang maikukumpara sa wedding gown na damit ng isang ina mula sa Mariveles, Bataan, at ang nanay na mahaba ang slit ng damit .
Pinararatangan ng pananapaw sa kanilang mga anak at sinadyang magsuot ng mga kakaibang damit para pag-usapan sila.
Read: The outfits of these moms steal the spotlight at their kids’ graduation day
Read: VIRAL: Mom in Bataan wears wedding gown on son's graduation day

BERNADETH CUTAS FLORES: TRENDSETTER?
Noong nakaraang taon, nag-viral si Bernadeth Cutas Flores, 36, ng Bohol dahil sa gown na ginamit niya sa araw ng pagtatapos ng kanyang anak.

Dahil dito, napukaw ang interes ng international shoe designer na si Jojo Bragais.
Natuwa at humanga si Bragais kay Bernadeth na ipinahanap niya para sa isang fashion pictorial shoot.
Read: Fashionista mommy, nag-viral ang OOTD sa graduation ng anak
Sa kasamaang-palad, hindi natuloy ang plano ni Bragais para kay Bernadeth dahil malayo para sa Boholano mother ang Metro Manila.
“Malayo kasi, Bohol and Manila. Hindi ko pa na-experience sumakay ng airplane. Hindi ko pa rin na-try pumunta sa Manila,” paliwanag ni Bernadeth nang makausap siya ng Cabinet Files ngayong Miyerkules ng gabi, Abril 1, 2026.
Si Bragais ang tumulong sa Cabinet Files sa pakikipag-ugnayan kay Bernadeth.

Sinisisi ng iba si Bernadeth dahil siya umano ang nag-umpisa ng agaw-pansing outfit sa graduation kaya maraming nanay ang gumaya sa kanya.
“Yung mga nag-viral ngayon na nanay, ako ang sinisisi dahil ako raw ang nagsimula,” nagtatakang pahayag ni Bernadeth.
“Ang daming nanggaya pero hindi ko naman sila sinabihan na, ‘Uy, isuot mo yung gown na may malaking slit o mag-wedding gown ka.’
“Ang sa akin lang naman, kung magdadamit ka, yung natural na gown lang.
“Ang message ko sa mga nanay, okay lang naman na mag-gown, huwag lang yung naka-wedding gown. Graduation yon, hindi wedding.
“Yung nangyari naman sa akin last year, hindi ko ine-expect na mag-viral ako. Binili ko talaga yon sa Shein para isuot sa graduation day ng [anak] ko.
“Yung ngayon kasi, sinasadya na nila [other mothers] para mag-viral."
Read: Maine Mendoza joins Atayde family gathering amid breakup rumors with Arjo
TWO OUTFITS IN ONE DAY
Nag-trending ulit si Bernadeth ngayong taon dahil sa suot naman niya sa graduation ng kanyang anak na babae na nag-graduate ng Grade 6 noong Sabado, Marso 26.
Lahad ni Bernadeth: "Nung nag-graduate ng Grade 6 yung anak kong babae noong Sabado, March 25, nag-white dress ako noong umaga.
"And then sa afternoon, iba rin ang suot ko kasi may award yung anak ko dahil honor student siya."

Paglilinaw niya: “Hindi ko naman yon isinuot para mag-viral uli ako. Isinuot ko yon dahil gusto ko, just like last time.
"Kailan pa ako magsuot nang ganoon, yung nakaburol na?
“Yung mga nakakita sa akin sa school noong Sabado, sabi nila, ‘Bongga! Grabe, pinaghandaan talaga!’”
Pagbabahagi pa ni Bernadeth, binibili niya ang kanyang mga gown mula popular e-commerce platform na Shein.
“Dati nga, wala akong pera, pero pinaghandaan ko ang graduation day ng anak ko last year. Six hundred pesos yon, binili ko sa Shein.
“Tapos yung ngayon, yung white dress na isinuot ko noong umaga, PHP3,500. Yung panghapon, PHP1,500, parehong binili ko sa Shein.
"Sabi nila, ang sagwa raw ng suot ko. Pero para sa akin, okay lang yon.
“Nabili ko sila dahil nakaluwag-luwag na ako nang mag-viral ako last year. Nagkapera na ako nang konti!” pag-amin ni Bernadeth na sinundan nito ng malutong na halakhak.