PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Facebook post ni Ron Angeles, reaction niya sa video scandal?

Popular now sa Facebook ang apat na aktor, kasama si Ron.
by Jojo Gabinete
Published Mar 1, 2026
ron angeles on sex video scandal
Ngayong araw, March 1, 2026, nag-post si Ron Angeles ng isang shirtless photo niya sa Facebook. May kinalaman kaya ito sa diumano'y sex video niya?
PHOTO/S: Ron Angeles on Facebook

Ang Facebook post ba ni Ron Angeles ngayong Linggo ng tanghali, Marso 1, 2026, ay may kinalaman sa hinalang siya ang aktor na tampok sa mga viral sex videos?

"Relax lang kayo dyan," ang maikling caption ni Ron sa larawan niyang kuha sa swimming pool.

Facebook post ni Ron Angeles, reaction niya sa video scandal?
Photo/s: Ron Angeles on Facebook

THE VIDEO SCANDAL

Ayon sa posts at komentong kumakalat sa social media, pati na rin sa balitang inilabas ng Manila Bulletin, isa raw si Ron sa apat na aktor na mapapanood sa sex videos.

Ang iba pa raw sangkot, ayon sa mga naglabasang balita at posts, ay sina Gil Cuerva, Nikko Natividad, at Arron Villaflor, na dinenay sa recent interview niya sa Cabinet Files ang pagkakaroon ng sex video.

Read: Arron Villaflor: "No more sexy roles."

Pero simula kahapon, Sabado, Pebrero 28, 2026, pinagpipistahan sa iba’t-ibang social media platforms ang sinasabing videos.

May mga nagsabing naka-upload na kasi ang mga ito sa X at ilang porn sites.

May mga nagbanggit din na iisang babae raw ang nasa sex videos.

Matatandaang Pebrero 2025 noong unang kumalat ang balitang may sex videos ang ilang actors.

Pero kusang namatay ang balita dahil walang sex video na lumitaw.

Makaraan ang isang taon, nabuhay ang isyu.

Read: Iwa Moto vs. Hajie Alejandro: Who's telling the truth?

MORE ACTORS MAY BE INVOLVED IN THE VIDEO SEX SCANDAL?

Samantala, kinumpirma ng isang aktor na nakausap ng Cabinet Files na biktima rin siya ng video scandal, pero pinili niyang manahimik, alang-alang sa kanyang pamilya.

Sinabi ng aktor na dalawa sa maraming showbiz personalities na sangkot ang nakipag-ugnayan sa kanya.

Labis daw ang pag-aalala ng mga ito sa magiging epekto ng sex video scandal sa kanilang career at pamilya.

Naisip ng dalawang showbiz personalities ang alibi na sasabihin nilang resulta ng AI o Artificial Intelligence ang mga videos na may intensiyong siraan sila. Tahasan din daw nilang itatanggi ito.

Ayon sa mga nakausap na sources ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), lingid sa kaalaman ng mga aktor na may hidden camera na nakatutok sa kanila.

Samantala, nais paalalahanan ang lahat na ang pagkuha, pagpapakalat, pangongopya, at pagre-reproduce ng sex videos nang walang consent ng mga taong involved ay ipinagbabawal sa ilalim ng Republic Act No. 9995 o Anti-Photo and Video Voyeurism Act of 2009.

Ang parusa sa violation ng batas na ito ay pagkakakulong mula tatlo hanggang pitong taon at multang nagkakahalaga ng PHP100,000 to PHP500,000.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ngayong araw, March 1, 2026, nag-post si Ron Angeles ng isang shirtless photo niya sa Facebook. May kinalaman kaya ito sa diumano'y sex video niya?
PHOTO/S: Ron Angeles on Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results