Alam niyo bang walang kamalay-malay ang Chinese actress na si Zhang Ying Fei na siya pala ang nagva-viral at nagti-trending na si Linda Walker?
Ang sikat na fictional character ang female lead sa The Heiress Who Won With Brains, ang Chinese vertical drama na popular ngayon sa mga Pilipino.
Sa video ng pag-uusap ni Zhang at ng co-star na si Su Zhiyi sa Douyin, isang social-media app na ekslusibo sa China, sinabi niyang nagulat siya dahil sikat na sikat sa Pilipinas ang kanilang vertical drama at Linda pala ang kanyang pangalan.
Si Su Zhiyi ang gumanap na Nancy Lewis sa The Heiress Who Won With Brains, at siya ang nagkuwento na popular din sa Japan ang kanilang vertical drama.
Read: VIRAL: Bakit trending sa Pilipinas si Linda Walker?

HOW ZHANG YINGFEI CAME TO KNOW LINDA WALKER
Si Zhang ay 21 years old at kilala rin sa nickname niyang Fifi.
The first time na nabasa niya ang pangalan ni Linda sa mga mahahabang English messages na natatanggap niya sa social media, nagtaka at naguluhan daw talaga siya.
Nang isalin niya sa Chinese language ang mga English messages, saka niya na-realize na siya pala si Linda dahil binago ang pangalan ng kanyang karakter sa English at Tagalog dubbed version ng kanilang phenomenal vertical drama.
Sa orihinal mini-series ng The Heiress Who Won With Brains, Lin Siwang ang pangalan ni Zhang.
Read: The Heiress Who Won With Brains, may Tagalog subbed na
The Heiress Who Won With Brains STORYLINE
Ang episodes ng vertical drama ay mapapanood sa DramaWave, isang app na "HD streaming platform" for vertical TV series and movies.
May mga kopya ring makikita sa YouTube, Tiktok, at Daily Motion.
Ang original title ng The Heiress Who Won With Brains ay The Real Heiress She Is a Top Student, na unang ipinalabas sa China noong September 2025.
Tungkol ito sa dalawang sanggol na parang Mara Clara ang istorya: pinagpalit ang dalawang sanggol.
Ang orihinal na anak pero naging mahirap ay si Linda, habang ang lumaki sa mayamang pamilya ng mga Lewis ay si Nancy.
Isa sa most-talked about scenes ay ang 719 points na score ni Linda sa mock exam, na usually ay 400–500 points ang average scores.
Mabilis ang pace ng vertical drama, at swak na swak sa panlasa ng Pinoy viewers ang paghihiganti ng bida gamit ang kanyang talino.